5-anyos pataas pwede nang lumabas sa MGCQ, GCQ areas

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, basta may kasamang nakatatanda, ang bata ay puwede nang magpunta sa mga sumusunod na lugar: beach, park, playground, biking at hiking trails, outdoor tou­rist sites at attractions na tutukuyin ng Department of Tourism.

Pero bawal pa rin sa mall

MANILA, Philippines — Pinapayagan na ng Inter-Agency Task (IATF) on Emerging Infectious Diseases na lumabas ng bahay ang mga bata na edad 5 taong gulang pataas sa mga lugar na nasa Modified General Community Quarantine (MGCQ) at General Community Quarantine (GCQ).

Gayunman, bawal pa rin sila sa loob ng mga mall.

Hindi kasama sa bagong patakaran ang mga batang nasa GCQ “with heightened restrictions” tulad ng Laguna at Cavite.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, basta may kasamang nakatatanda, ang bata ay puwede nang magpunta sa mga sumusunod na lugar: beach, park, playground, biking at hiking trails, outdoor tou­rist sites at attractions na tutukuyin ng Department of Tourism.

Puwede na rin sa sila sa mga outdoor non-contact sports at kumain sa “alfresco dining” establishments o nasa labas ng kainan ang puwesto.

Hindi pa rin puwede ang mga bata sa mga mall, at mananatiling 15-anyos pataas lang ang papayagan.

Pinapayagan din ng pamahalaan ang local government units (LGUs) na taasan ang age restriction ng mga bata batay sa sitwasyon ng COVID-19 pandemic sa kanilang lugar.

 

Show comments