Bakunado sa Caloocan may diskuwento

MANILA, Philippines — Makakakuha na ng diskuwento sa ilang establisimyento ang mga fully vaccinated na indibiduwal makaraang aprubahan ng Sangguniang Panlungsod ng Caloocan ang resolusyon hinggil dito.
Kahapon ay pinagtibay ng Sanggunian ang Proposed Resolution no. 11-570 na inihain ni Coun. Orvince ‘ConVINCEd’ Howard Hernandez kasama sina Couns. Vincent Ryan Malapitan at Majority Leader Edgardo Aruelo.
Alinsunod sa resolusyon, hinihikayat ang mga local business na magbigay ng diskuwento sa mga produkto at serbisyo sa mga nakakumpleto na ng bakuna laban sa COVID-19. Sa loob ng apat na buwan aniya, halos kalahating milyon pa lamang ang nabakunahan mula sa 1.1 milyong Caloocano.
Sa kasalukuyuan, may iilang business establishments na ang kusang-loob na nagbigay ng diskuwento sa mga bakunadong customer.
Nilinaw naman ni Hernandez na hindi oobligahin ng lokal na pamahalaan ang business establishments sa takdang diskuwentong ibibigay at sa halip ay hihikayatin silang gumawa ng sariling gimik.
Pagkakataon na rin aniya ito para obligahin ng mga may-ari ng negosyo ang kanilang manggagawa para magpabakuna lalo na ang mga itinuturing na essential workers.
- Latest