Populasyon ng Pinas, higit 109 milyon na
MANILA, Philippines — Pumalo na sa mahigit 109 milyon ang populasyon ng Pilipinas hanggang Mayo 2020.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) umaabot sa 109,035,343 na ang populasyon ng ating bansa batay sa tala noong May 1, 2020.
Ang bilang ay may pagtaas ng 8.05 milyon mula sa census na isinagawa noong 2015 kung saan 100,981,437 ang populasyon ng Pilipinas.
Ang mga rehiyong may pinakamataas na populasyon ay ang CALABARZON, National Capital Region (NCR) at Central Luzon.
Tuwing ika-10 taon isinasagawa ang census ng PSA.
- Latest