MANILA, Philippines — Lumutang kahapon ang posibleng tandem nina Davao City Mayor Sara Duterte at Manila City Mayor Isko Moreno sa darating na Presidential at Vice-Presidential Elections sa 2022.
Ito ay makaraan ang muling pag-aalyansa ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) ni Duterte at National Unity Party (NUP) ni Moreno.
Sinabi ni NUP spokesman at deputy secretary general for political affairs Reggie Velasco na ang tandem na ito ay inaasahang mapag-uusapan sa pormal na pagsasanib ng dalawang partido ngayong taon.
“Of course, we’re open to a Sara-Isko tandem. We don’t have decision yet on our presidential and vice presidential bets so we’re open to all candidates. There will be a decision making process that will happen from within party and outside the party,” ayon kay Velasco.
Pero nilinaw ni Velasco na hanggang ngayon ay wala pang desisyon si Moreno kung anong posisyon ang tatakbuhin.
“Mayor Isko is on his first term and still has two terms. We are also waiting for his decision whether he wants to run for re-election, or he wants to seek a national office, either be a senator, vice president or even president,” paliwanag ni Velasco.
Matatandaan na noong Agosto 2018, nagsanib ang dalawang partido para suportahan ang napipisil nilang senatorial candidates noong 2019 elections.
“Under the alliance agreement, HNP will help us decide on that. We will have a common candidate for president, vice president and then senators. We will also have the right to nominate for the common slate,” dagdag ni Velasco.