P11.07-T 'record high' na utang inalmahan ngayong bagong ayuda hindi pa tiyak
MANILA, Philippines — Pinagtaasan ng kilay ng mga progresibong mambabatas ang pagsipa ng utang ng Pilipinas sa pinakamataas nitong antas sa kaysaysayan — gayong wala pang naipapasang bagong ayuda sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ika-5 ng Hulyo nang iulat ng Bureau of Treasury na sumampa na sa P11.07 trilyon ang utang ng gobyerno ng Pilipinas sa pagtatapos ng Mayo, bagay na pinalobo ng COVID-19 pandemic response.
Pero para sa Bayan Muna party-list, hindi pwedeng gamiting palusot na wala nang pera ang gobyerno para mamigay ng pinansyal na tulong sa mga naapektuhan ang kabuhayan dahil sa lockdowns at quarantine restrictions.
"This is more than P11 trillion, but they cannot allot a measly P405 billion for Bayanihan 3 to help our suffering kababayans?" ani House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, Martes.
"Why can't they allot just 16% of this borrowings for ayuda? Tragically for the Filipinos, it appears that the only top priorities of the Duterte administration are to buy more arms and war materiel and enlarge its campaign kitty via big ticket infra projects."
Kasalukuyang nasa P7.92 trilyon ang inutangan ng gobyerno sa loob ng bansa habang umabot naman ng P3.16 trilyon ang perang hiniram ng Pilipinas mula sa ibang bansa.
Una nang ipinagpapaliwanag ni Sen. Manny Pacquiao si Health Secretary Francisco Duque III kung saan na napunta ang kabuuang ginastos at inutang ng gobyerno para sa pandemya, ngayong ipinalulutang niyang may katiwalian sa Department of Health.
Bagama't pumasa na sa ikatlo at huling pagdinig ng Kamara ang panukalang Bayanihan 3 — na planong magbigay ng P2,000 sa bawat Pilipino mahirap man o mayaman — hindi pa rin gaano umuusad ang counterpart bill nito sa Senado.
'Walang pondo'
Hunyo nang sabihin ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na napahina ng COVID-19-induced recession ang revenue collections ng gobyerno, dahilan na nagsanhi ng ficscal problem. Gumastos na din diumano ang nang husto ang estado nang mas malaki para labanan ang ang health crisis.
"Any additional expenditures like the P170 billion-P173 billion [for Bayanihan 3] have to have some source of funds. We are looking at additional collections over-and-above our budget. The President has already asked all the departments to look at their budgets and see which programs can be cut or postponed so that the money can be repurposed to fund this," ani Domingiez noong nakaraang buwan.
Gayunpaman, naghahanap pa rin daw sila internally ng pondo para mapunan ang bilyun-bilyong pisong kailangan para sa Bayanihan 3.
Una nang sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na "hindi prayoridad" ang pagpapasa ng Bayanihan 3 lalo na't may pondo pa ang Bayanihan 2.
Bayanihan 2 hindi lahat nagastos?
Gayunpaman, hindi rin naman nagagamit ang natirang P9 bilyong pondo ng Bayanihan 2 nang mag-expire mag-expire ang batas nitong ika-30 ng Hunyo, bagay na ikinahinayang ni Vice President Leni Robredo ngayon.
Pero duda pa riyan si Roque lalo na't kinakailangan pa raw mag-ulat ng mga line agencies sa Department of Budget and Managagement (DBM).
"Ang lahat po ng pondo ng Bayanihan 2, according to [Budget] Secretary Wendel Avisado, nailabas po sa lahat ng line agencies. So as of now po, I am not able to confirm kung meron ngang hindi nagastos," ani Roque kanina sa isang press briefing.
Binibigyan ngayon ang mga line agencies ng hanggang ika-15 ng Hunyo para mag-ulat sa Department of Budget para matiyak kung magkano ang maibabalik na pondo sa National Treasury.
Pinayuhan din ni Roque si Robredo na huwag munang lumikha ng conclusions "hangga't hindi pa kumpleto ang mga datos sa ngayon."
- Latest