^

Bansa

Panoorin, dalawang kwento ng mga Batang Matibay

Gerald Dizon - Philstar.com
Mga kabataang Pinoy na matibay sa buhay – bida sa BEAR BRAND Batang Matibay Awards
Bawat BEAR BRAND Batang Matibay awardee ay may kwentong nagsisilbing huwaran at inspirasyon sa kanilang pamilya, kapwa bata, at buong pamayanan.
Screenshot from YouTube / Nestlé Philippines

MANILA, Philippines — Sa panahon ngayon, kailangang mas bigyang-diin ang pangangalaga sa kalusugan ng mga bata, dagdag pa ang matulungan sila sa kanilang edukasyon, upang sa gayon ay mas malagpasan nang may tibay ang mga hamon sa buhay.

Sa huli, ang lahat ng kanilang pagsisikap ay magbubunga ng mabuti—mababago ang takbo ng kanilang buhay tungo mas magandang kinabukasan.

Ganito ang hangad ng BEAR BRAND® Fortified na walang-sawang naniniwala at sumusuporta sa tibay ng bawat batang Pilipino. At sa pakikiisa ng DepEd, taun-taon nitong inilulunsad ang BEAR BRAND® Batang Matibay Awards upang kilalanin ang kabataang nagpapamalas ng natatanging tibay sa pag-aaral at sa buhay.

Bawat isa sa kanila ay may kwentong nagsisilbing huwaran at inspirasyon sa kanilang pamilya, kapwa bata, at buong pamayanan.

Isa na rito ang 12-taong-gulang na si Myco Jayran Sembrano, Batang Matibay 2020 Awardee mula sa La Carlota North Elementary School, Negros Occidental. Dala ng pagsubok sa buhay, napilitang ipamigay ng kanyang mga magulang si Myco kahit na siya noon ay walong oras pa lamang na nabubuhay.

Kinupkop siya ni Mommy Randy, isang guro na nagsilbing kanyang nanay at tatay. Pinalaki niya si Myco at itinuring na parang tunay na anak.

“Kahit dalawa lang kami, masuwerte ako dahil may mommy at daddy ako sa kanya,” ani Myco.

Dahil pinalaki ni Mommy Randy nang may tibay, tatag ng loob, at kaalamang dulot ng magandang edukasyon, kayang-kaya na ngayon ni Myco na harapin ang bawat hamon sa buhay. Ihinalintulad ni Myco ang laban na ito sa arnis, isang katutubong sining ng pakikipaglaban na kanyang ineensayo.

“Wala sa gamit na yantok ang lakas, kundi sa tibay ng kalooban. Laging mananalo, basta lumaban nang may puso,” sabi niya.

Isa lang si Myco sa marami pang BEAR BRAND® Batang Matibay Awardees na napagtatagumpayan ang mga hamon sa kani-kanilang buhay, sa tulong ng tamang nutrisyon at maayos na edukasyon. Nariyan halimbawa ang kuwentong tulad ng kay Pauline Padilla, isang 2019 awardee.

Bawat taon ay pumipili ang BEAR BRAND® mula sa hanay ng mga Grade 5 at Grade 6 students mula sa mga pampublikong paaralan ng sampung kabataan na magwawagi ng award, ayon sa ilang criteria.

Ang bawat awardee ay makatatanggap ng cash prize, Batang Matibay plaque of recognition, BEAR BRAND® Fortified gift pack at college scholarship grant para ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Ang kanila namang mga eskwelahan ay makakatanggap ng laptops, Batang Matibay plaque of recognition at BEAR BRAND® Fortified gift packs.

 

Para sa karagdagang impormasyon hinggil sa BEAR BRAND® at sa Batang Matibay Awards, inyong bisitahin ang kanilang website sa https://www.bearbrand.com.ph/aming-advocacies/batang-matibay-awards.

BEAR BRAND

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with