Patay sa COVID-19 sa Pilipinas humataw na sa 25,192
MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 5,392 bagong infection ng coronavirus disease, Lunes, kung kaya nasa 1,441,746 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.
Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:
- lahat ng kaso: 1,441,746
- nagpapagaling pa: 51,994, o 3.6% ng total infections
- bagong recover: 6,477, dahilan para maging 1,364,960 na lahat ng gumagaling
- kamamatay lang: 43, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 25,192
Bakuna sa Taal evacuation centers; utang ng Pilipinas P11.07 trilyon na
-
Matapos ang muling pagsabog ng Bulkang Taal, tiniyak ng DOH na nag-procure na sila ng sapat na COVID-19 vaccines at test kits sa mga evacuation centers para matiyak na hindi sisipa ang hawaan ng nakamamatay na virus sa naturang mga lugar. Ito ang sinabi ni Dr. Voltaire Guadalupe, head ng Health Emergency Medical Service ng Calabarzon kanina.
-
Sa bilis at lawak ng COVID-19 vaccination sa ngayon sa National Capital Region, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na posible pa ring maabot ang inaasam na "population protection" doon ngayong Nobyembre 2021.
-
Sa nakalipas na pitong araw, nananatiling nasa 236,867 ang daily average ng Pilipinas pagdating sa bilang mga nababakunahan laban sa COVID-19.
-
Lumobo naman sa P11.07 trilyon ang kabuuang utang ng Pilipinas nitong Mayo kasunod na rin ng paghiram ng pera ng administrasyong Duterte para sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.
-
Inaatasan naman ngayon ni PNP chief Guillermo Eleazar ang mga kawani ng pulisiya na suriing mabuti ang mga vaccination cards ng mga biyahero kung peke o hindi ngayong pinapayagan na ang interzonal travel ng mga fully-vaccinated. Dati kasi ay kinakailangan pa ang COVID-19 test results.
-
Umabot na sa 182.31 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, patay na ang 3.95 milyong katao.
— James Relativo
- Latest