^

Bansa

177 bagong patay sa COVID-19 naitala ng DOH, highest sa nakaraang 21 araw

Philstar.com
177 bagong patay sa COVID-19 naitala ng DOH, highest sa nakaraang 21 araw
People line up for Pfizer vaccine at Caloocan City Sports Complex on June 28, 2021.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 6,192 bagong infection ng coronavirus disease (COVID-19), Biyernes, kung kaya nasa 1,424,518 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.

Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:

  • Lahat ng kaso: 1,424,518
  • Nagpapagaling pa: 55,482, o 3.9% ng total infections
  • Kagagaling lang: 2,212, dahilan para maging 1,344,063 na lahat ng gumagaling 
  • Kamamatay lang: 177, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 24,973

Anong bago ngayong araw?

  • Ngayong araw naitala ang pinakamaraming bilang ng namatay sa COVID-19 iisang araw lang (177) sa sa Pilipinas sa nakalipas na 21 araw. Huling beses na mas maraming namatay noong ika-11 pa ng Hunyo.

  • Idiniin naman kanina ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na "hindi maparurusahan" ang mga healthcare workers na magkakamali sa kanilang pagturok ng COVID-19 vaccines. Gayunpaman, pwede na silang humarap sa mga penalty kapag mapatunayang sinasadya ito. Matatandaang isang volunteer nurse sa Makati City ang hindi naipasok ang naturang gamot sa katawan ng tumatanggap bagama't natusok ng karayom.

  • Sinimulan na ng MVP Group ang pagtuturok ng Moderna COVID-19 vaccines sa kanilang mga empleyado ngayong araw. Tinatayang 500 ang naka-schedule na turukan ng naturang gamot.

  • Naninindigan naman ang kumpanyang Johnson and Johnson's na mabisa ang kanilang "single dose" COVID-19 vaccine laban sa Delta variant ng virus, na siyang itinuturing na isa sa pinakanakahahawa ngayon sa mga variants of concern ng sakit. 

  • Umabot na sa 181.93 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, patay na ang 3.94 milyong katao.

— James Relativo

COVID-19 TALLY PHILIPPINES

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with