1,500 katao sa Batangas nasa evacuation sites sa pagputok ng Bulkang Taal

This aerial photograph taken on June 24, 2021 shows the Taal volcano crater.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Dumami pa lalo ang bilang ng in-evacuate ng gobyerno malapit sa Bulkang Taal matapos ang muling pagbubuga ng maiitim na usok at asupre bunsod nito noong Huwebes.

Kahapon lang nang itaas ng Phivolcs ang Alert Level 3 sa naturang bulkan dahil sa "magmatic unrest." Kaugnay nito, posible ang "hazardous eruption" nito sa loob ng ilang araw o linggo.

Kaugnay nito, 1,499 katao (344 pamilya) na ang inilikas sa mga sumusunod na evacuation centers bilang pag-iingat ayon sa Batangas Police Provincial Office:

Laurel (1,126)

  • San Gregorio Annex (33)
  • San Gregorio Elem School (125)
  • Ticub Elementary School (763)
  • Niyugan Elementary School (55)
  • As is Elementary School (43)
  • Biliran Elementary School, Nasugbu (36)
  • Biliran High School, Nasugbu (71)

Talisay (118)

  • Calamba Regional Government Center (118)

Balete (255)

  • Malabanan Elementary School, Barangay Malabanan, Balete (255)

Samantala, nakabalik na sa kani-kanilang bahay sa ngayon ang nasa 58 katao (14 pamilya) mula sa Agoncillo at Sto. Tomas, Batangas.

Wala pa namang naitatalang patay, nawawala o sugatan kasunod ng pag-aalburoto ng bulkan. Nakaantabay ngayon ngayon ang mga kawani ang Philppine National Police (946), Armed Forces of the Philippines (47), Bureau of Fire Protection (60), Philippine Coast Guard (27) para makatulong.

"Wala na pong pinapayagan ang PCG na pumalaot sa lawa na mga fishermen as a precautionary measure regarding the volcano situation," wika ni Mark Timbal, spokesperson ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, ngayong Biyernes.

"'Yung naulat po na pumalaot e pinayagan to conduct the speedy harvesting of the fishpens. but these were closely monitored and supervised by the PCG. as of now, wala na po pinapayagan na vessels."

4 bagong 'phreatomagmatic bursts'

Matapos ang saglitang phreatomagmatic eruption sa Main Crater bandang 3:16 p.m. kahapon, dahilan para magbuga ang bulkan ng dark gray plume 1 kilometro pataas, nasundan pa ito ng mga pagputok kinagabihan.

"This was followed by four (4) short phreatomagmatic bursts that occurred at 6:26 PM, 7:21PM, 7:41PM and 8:20 PM that lasted not longer than two (2) minutes each and produced short jetted plumes that rose 200 meters above the Main Crater Lake," wika ng Phivolcs ngayong Biyernes.

Sa nakaraang 24-oras, naitala ng Taal Volcano Network ang 29 volcanic earthquakes kasama ang:

  • 1 explosion-type earthquake
  • 22 low frequency volcanic earthquakes
  • 2 volcanic tremor events na tumagal ng tatlong minuto
  • low-level background tremor na tuloy-tuloy simula pa ika-8 ng Abril

"High levels of volcanic sulfur dioxide or SO2 gas emissions and steam-rich plumes that rose as much as three thousand (3000) meters high and drifted southwest and southeast have been observed from the Taal Main Crater," patuloy ng state volcanologists kanina.

"Sulfur dioxide (SO2) emission averaged 13,287 tonnes/day on 01 July 2021." 

Explosive eruption

Dagdag pa ng Phivolcs, maaaring i-drive ng "magma extruding from the Main Crater" ang isang explosive eruption. Nananatili pa ring Permanent Danger Zone (PDZ) ang buong Taal Volvano Island.

Pinagbabawalan pa rin ang pagpasok sa mga high-risk barangays ng Agoncillo at Laurel dahil sa peligro ng (1) pyroclastic density currents at (2) volcanic tsunami oras na magkaroon ng malakas na pagsabog. Bawal din sa ngayon ang lahat ng aktibidad sa Taal Lake.

"Communities around the Taal Lake shores are advised to remain vigilant, take precautionary measures against possible airborne ash and vog and calmly prepare for possible evacuation should unrest intensify," dagdag pa nila.

Show comments