^

Bansa

Mga Pinoy hayaang pumili ng bakuna

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mga Pinoy hayaang pumili ng bakuna
Sinabi ni Senate pro Tempore President Ralph Recto, na dapat tiyakin ng gobyerno na availa­ble lahat ng brand ng bakuna kontra sa naturang virus para mayroong pagpipiliang bakuna ang taumbayan.
Stock image: Pexels

MANILA, Philippines — Dapat magkaroon ng pagkakataon ang mga tao na pumili ng gagamiting bakuna kontra sa COVID-19

Sinabi ni Senate pro Tempore President Ralph Recto, na dapat tiyakin ng gobyerno na availa­ble lahat ng brand ng bakuna kontra sa naturang virus para mayroong pagpipiliang bakuna ang taumbayan.

Paliwanag ni Recto, na common sense na mas maraming magpapabakuna kung mabibigyan ang mga tao na pumili ng brand ng bakuna.

Sa ngayon karamihan sa available na bakuna ay ang China made na Sinovac at mayroon na rin unti-unting dumarating na Pfizer, AstraZeneca, Sputnik at Moderna.

Nauna na rin sinabi ni Senate Minority leader Franklin Drilon na dapat ikonsidera na ng gobyerno na bumili ng ibang brand ng bakuna at huwag lang tumuon sa China brand na Sinovac.

Marami umanong mas mabibili na bakuna na mas epektibo laban sa COVID-19 at kahit mas mahal ay iyon ang bilihin para maprotektahan ang publiko lalo na ang mga health workers laban sa virus.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with