^

Bansa

'Fully vaccinated' na nagka-COVID sa bansa 68 sa 2.15 milyon o 0.003% lang — FDA

James Relativo - Philstar.com
'Fully vaccinated' na nagka-COVID sa bansa 68 sa 2.15 milyon o 0.003% lang — FDA
A health worker prepares a vial of Chinese Sinovac vaccine against Covid-19 coronavirus disease inside a movie theatre turned into a vaccination centre in Taguig City suburban Manila on June 14, 2021.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Aminado ang Food and Drug Administration (FDA) na nakapagtatala pa rin ng coronavirus disease (COVID-19) infections sa mga nababakunahan na laban sa nakamamatay na virus — pero labis itong nababawasan habang nakumpleto na ang dalawang doses.

Sa kabila nito, meron pa ring mangilan-ngilang "breakthrough infections" na naitatala, o 'yung mga tinatamaan pa rin ng COVID-19 kahit dalawang doses na ang naituturok, sabi ni FDA director general Eric Domgingo sa Laging Handa ngayong araw.

Kahit may nagkaka-COVID pa rin sa mga kumpleto ang bakuna, kapansin-pansin na mas maliit ito 'di hanak sa mga tinamaan ng virus na unang dose pa lang ang nakukuha. Wala ring namamatay sa kanila ni isa.

Nagka-COVID matapos ang 14-araw mula 2nd dose:

  • Sinovac - 33 infections (walang patay)
  • AstraZeneca - 1 infection (walang patay)
  • Sputnik V - 0 infections (walang patay)
  • Pfizer - 1 infection (walang patay)

Nagka-COVID bago umabot ang 14-araw mula 2nd dose:

  • Sinovac - 27 infections (walang patay)
  • AstraZeneca - 5 infections (walang patay)
  • Sputnik V - 1 infection (walang patay)
  • Pfizer - 0 infections (walang patay)

Nagka-COVID matapos ang 1st dose:

  • Sinovac - 173 infections (11 patay)
  • AstraZeneca - 188 infections (11 patay)
  • Sputnik V - 5 infections (walang patay)
  • Pfizer - 5 infections (walang patay)

"Out of 1.6 million na naka-two doses [ng Sinovac], 27 lamang po ang cases ng COVID at zero po ang severe COVID or namatay from COVID. So may nagkasakit pero mga mild lamang," paliwanag ni Domingo, Miyerkules.

"Two weeks after the second dose po ng Sinovac, meron pa ring 33 na nagkaroon ng COVID. Pero again, all of these are mild. And 33 out of 1.6 million is a very, very low percentage. At lahat nga po 'yon ay mild at gumaling."

Dagdag pa ni Domingo, mahirap ihambing ang AstraZeneca ngayon sa Sinovac lalo na't hindi ito sabay iginulong at mas mahaba ang interval ng una at ikalawang dose.

Samantala, umabot naman na sa 6.25 milyon ang nabibigyan ng unang dose ng COVID-19 vaccines. Hindi pa kumpleto ang ibinibigay na proteksyon laban sa nasabing virus kung isang dose pa lang ang naibibigay sa kanya. Umeepekto lang din ang kumpletong proteksyon laban sa sakit 14-araw matapos ang ikalawang turok ng gamot.

Lubha ang pagbaba ng kaso after 2nd dose

"Nakikita natin na mayroon pa na nagkakaroon ng COVID pero kakaunting-kakaunti na lang even after the first dose pero [it] drastically goes down after the second dose at definitely after the second dose, lumiliit ‘yung chance ng severe COVID at saka pagkamatay," dagdag ni Domingo.

Una nang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na wala pang pumapanaw sa mga fully vaccinated na laban sa COVID-19, matapos maiulat ang ilang pagkamatay sa Indonesia at Estados Unidos kahit naturukan na ng Sinovac at iba pang vaccines.

Sa huling ulat ng Department of Health nitong Martes, umabot na sa 1.4 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, 24,557 na ang patay.

COVID-19 VACCINES

DEPARTMENT OF HEALTH

FOOD AND DRUG ADMINISTRATION

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with