^

Bansa

Pacquiao kumasa kay Duterte: Sige, ilalaglag ko mga tiwali starting sa DOH

Philstar.com
Pacquiao kumasa kay Duterte: Sige, ilalaglag ko mga tiwali starting sa DOH
Litrato nina Sen. Manny Pacquiao (kaliwa) at Pangulong Rodrigo Duterte (kanan)
The STAR, File

MANILA, Philippines — Game na game si Sen. Manny Pacquiao na pangalanan na ang mga aniya'y korap na opisyal sa loob ng gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte, bagay na kanyang tugon sa hamon ng nahuli.

Lunes ng gabi nang sabihin ni Digong na mangangampanya siya laban kay "Pacman" sa 2022 kung hindi niya ituturo ang mga dahilan kung bakit "tatlong beses" mas korap ang gobyerno ngayon kaysa sa admin ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

"[Si] Pacquiao, salita nang salita na three times daw tayo mas corrupt [kumpara sa Aquino admin]. So I am challenging him, ituro mo ang opisina na corrupt at ako na ang bahala. Within one week may gawain ako... [If] you fail to do that, I will campaign against you because you are not doing your duty. Do it because if not, I will just tell the people: 'Do not vote for Pacquiao because he is a liar.'"

Matapang na sinagot ni Pacquiao ang kapartidong si Duterte, Martes, habang tumitindi ang bangayan sa loob ng ruling party na PDP-Laban.

Aniya, ika-27 ng Oktubre lang nang sabihin mismo ni Duterte na lumalakas ang korapsyon sa loob ng kanyang pamahalaan kaysa humihina.

"Tinatanggap ko ang hamon ng Pangulong Rodrigo Duterte. Salamat po at binigyan nyo kami ng pagkakataon na  na tumulong sa inyo at bigyan kayo ng mga impormasyon para [sa] kampanya kontra korapsyon," sabi ng fighting senator.

"Magsimula tayo sa [Department of Health]. Silipin at busisiin natin lahat ng mga binili mula sa rapid test kits, [personal protective equipment], masks at iba pa. Handa ka ba Sec. Francisco Duque na ipakita ang kabuuan ng iyong ginagastos? Saan napunta ang pera na inutang natin para sa pandemya?"

Una nang sinabi ni Digong na napatalsik niya agad sa pwesto ang ilang abusado kuno sa gobyerno matapos ituro sa kanya, kabilang na ang mga sangkot sa "pastillas" scandal, mga kawarni sa Immigration, Customs at Bureau of Internal Revenue.

Kilalang acting president ng PDP-Laban si Pacquiao habang chair naman ng parehong partido si Duterte. Hinihikayat ngayon ng partido sa kanilang National Council Assembly nitong Hunyo na kumandidato sa pagkabise si Digong. Gayunpaman, wala itong basbas ni Pacman.

Kung tutugon si Duterte sa panawagan ng mga kapartido, siya ang pipili kung sino ang makakatambal sa panguluhan. Nangyayari ito ngayong matagal nang ugong-ugong ang ambisyon ni Pacquiao sa mataas na posisyon sa gobyerno.

Katiwalian sa DOH?

Hindi pa tumutugon ngayon sa media ang DOH patungkol sa ipinupukol na corruption allegations laban kay Health Secretary Francisco Duque III.

Kaugnay nito, hinahamon ngayon ni Tony Leachon, dating special adviser ng National Task Force (NTF) laban sa COVID-19, ang kagawarang magsalita pagdating sa mga naturang paratang kay Duque.

"DOH should explain why tests are expensive when there’s a price ceiling? Why is our positivity rate still high?" ani Leachon kanina.

"It means less testings and yet we have [a] huge budget coming [from] the Bayanihan funds? Despite all these things, IATF, an agency which Sec. of Health heads... still fail!"

Dagdag pa ni Pacquiao, nakakadismaya lalo na't pinagtatalunan nila ngayon ang isyu ng katiwalian, gayong dapat nagtutulungan daw ang mga lider ng bansa laban dito: Mawalang galang po mahal na pangulo, ngunit hindi ako sinungaling... Hindi ako tiwali at hindi ako sinungaling."

Kanina lang nang aminin ni presidential spokesperson Harry Roque na tuluyan nang naging maasim na ang pakikitungo nina Duterte at Pacquiao sa isa't isa. Ito'y kahit na kilala silang masugid na magkaalyado noon. 

 

 

— James Relativo at may mga ulat mula kay Bella Perez-Rubio

2022 NATIONAL ELECTIONS

CORRUPTION

MANNY PACQUIAO

PDP-LABAN

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with