^

Bansa

DOH: Wala pang patay sa mga 'fully vaccinated' vs COVID-19 sa Pilipinas

James Relativo - Philstar.com
DOH: Wala pang patay sa mga 'fully vaccinated' vs COVID-19 sa Pilipinas
Residents queue at the Marikina Elementary school for their second dose of COVID-19 vaccination on June 28, 2021.
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Sa kabila ng mga bali-balitang may namamatay sa COVID-19 sa mga may kumpleto nang bakuna laban sa virus, tiniyak ng Department of Health (DOH) na hindi pa ito nangyayari sa Pilipinas habang idinidiing nagbibigay ito ng kaukulang proteksyon laban sa sakit.

Sinasabi kasing nasa 750 na ang fully vaccinated na patay sa Estados Unidos (asymptomatic at walang COVID-19), habang ilang doktor naman sa Indonesia ang binawian na ng buhay kahit "kumpleto ang bakuna."

"[A]tin pong binibigyan ng garantiya ang ating mga kababayan na hanggang sa ngayon, wala pa hong namamatay na fully vaccinated individual dito po sa ating bansa as a result of COVID-19," ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Martes.

"So we have zero cases as a result of COVID-19 vaccines, so ibig sabihin wala, at wala pa rin hong namamatay na fully vaccinated individuals because of COVID-19."

Nasa Food and Drug Administration (FDA) sa ngayon ang mandato ng pagtatala ng side-effects (adverse events following immunization). Gayunpaman pinagtutulungan ng DOH at FDA ang evaluation nito pagdating sa kung ano talaga ang nagiging sanhi ng mga pagkamatay.

Abril lang nang sabihin ni FDA director general Eric Domingo na umabot na sa 24 ang mga namamatay sa mga naturukan na ng COVID-19 vaccine. Gayunpaman, hindi ito dahil sa side-effect ng gamot. 

Posible pa ring tamaan ng COVID-19 ang mga fully vaccinated (breakthrough infection). Gayunpaman, lumalabas sa mga datos na nakapagbibigay ito ng proteksyon laban sa (1) symptomatic disease lalong-lalo na sa (2) severe COVID-19 at hospitalization.

Deaths kahit nabakunahan ng Sinovac?

Sa ulat ng New York Times tungkol sa report ng Indonesian Medical Association, hindi bababa sa 20 sa 401 doktor na namatay doon sa COVID-19 ang "fully vaccinated" na gamit ang CoronaVac ng Chinese drugmaker na Sinovac.

Sinovac ang pinakatalamak na COVID-19 vaccine brand na umiiral ngayon sa Pilipinas.

Gayunpaman, pinag-iingat muna ngayon ni Vergeire ang publiko sa mga ganitong lumulutang na ulat. Marami pa raw kasi ang dapat ikonsidera patungkol sa mga ulat dahil kulang-kulang pa raw ang mga datos na lumalabas.

"These media reports have only stated the number of individuals who are infected, the number of individuals who died, but they never mentioned how many healthcare workers they had, how many of these healthcare workers have recieved the first or second dose. So marami hong detalye na kailangan nating malaman," patuloy ni Vergeire.

"Kailangan po nating isipin na 'yung benepisyo po nitong bakunang ito still outweighs the risk... Kung iisipin po natin, ang Indonesia, napakalaking bansa po niyan. Let's say that the healthcare workers are 5,000. So the 26 out of the 5,000 is still a very small portion para po itigil po ang pagbabakuna."

Lunes lang nang sabihin ni presidential spokesperson Harry Roque na hindi mapapataas ng mga naturang insidente ang vaccine hesitancy sa Pilipinas, lalo na't aprubado na ito hindi lang ng Philippine FDA kung hindi pati ng World Health Organization (WHO).

Sa pagre-review ng WHO Strategic Advisory Group of Experts on Immunization, lumalabas na:

  • kayang pigilan ng CoronaVac ang symptomatic disease nang hanggang 51%
  • kayang pigilan ng CoronaVac ang severe COVID-19 at hospitalization sa 100% ng mga inaral na populasyon

Sa huling ulat ng gobyerno kahapon, umabot na sa 1.4 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Patay na ang 24,456 sa bilang na 'yan.

COVID-19 VACCINES

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with