4.3 milyong bagong botante, nagparehistro
MANILA, Philippines — May nadagdag nang 4.3 milyong bagong botante na nagparehistro para sa darating na May 2022 National at Local Elections, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Masayang sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na nalagpasan na nito ang target nilang numero na apat na milyon lamang.
“Thus far we have around 4.3 million new voters who have already registered which means we have already exceeded our expectations we set out with back in 2019,” ayon kay Jimenez.
Nangangahulugan ito na may nadagdag na higit apat na milyong botante na magiging 18-taong gulang na makakaboto sa unang pagkakataon sa 2022.
Sa kasalukuyan, nasa 60 milyon ang kabuuang bilang ng mga rehistradong botante sa bansa.
“Of course, voter turnout will be lower than that but that is the standing number for registered voters,” ayon pa kay Jimenez.
Patuloy pa rin namang nanawagan ang Comelec sa mga bagong botante na magparehistro pa rin habang hindi pa sumasapit ang palugit sa voter registration sa Setyembre 30.
- Latest