‘Ayaw ni Noy na maging pabigat’ – Ballsy

“Si Noy ayaw niya talaga na maging pabigat siya. Ayaw niya na kami ay nag-aalala at ayaw niya na hindi kami nakakatulog nang dahil sa pag-iisip sa kanya. Tinupad niya yung pangako nya sa aking ama nung siya’y nakakulong sa Fort… Laur sa Nueva Ecija, na aalagan niya ang aming ina at kaming apat,” ani Ballsy Aquino-Cruz sa misa bago ihatid sa kanyang huling hantungan si PNoy.
Philstar.com/File

MANILA, Philippines — Binanggit ng panganay sa mga magkapatid na si Ballsy Aquino-Cruz na lingid sa kaalaman ng publiko ay sadyang ayaw ng yumaong si dating Pangulong Noynoy Aquino na maging maintindihin.

“Si Noy ayaw niya talaga na maging pabigat siya. Ayaw niya na kami ay nag-aalala at ayaw niya na hindi kami nakakatulog nang dahil sa pag-iisip sa kanya. Tinupad niya yung pangako nya sa aking ama nung siya’y nakakulong sa Fort… Laur sa Nueva Ecija, na aalagan niya ang aming ina at kaming apat,” ani Aquino-Cruz sa misa bago ihatid sa kanyang huling hantungan si PNoy.

Lantad sa publiko ang liham ng ama ni Noynoy na si dating Sen. Ninoy Aquino na ipinakulong noong panahon ni Ferdinand Marcos. Habilin niya rito: Alagaang mabuti ang mga nakababatang kapatid at huwag iiwan ang ina sa mga unos na haharapin.

Ayon pa kay Balsy, sinabihan sila ni PNoy na kahit hindi siya tulungan o suportahan sa kampanya, itutuloy nito ang pagtakbo sa pagka-presidente.

Subalit ayon kay Ballsy, labag man sa kanila ang pagtakbo ni PNoy, sinuportahan nila ito dahil ito naman ang kanyang pangako bilang panganay sa kanilang ina na magsusuportahan at magtutulungan silang lima.

Samantala, inawit ni Noel Cabangon bago magsimula ang misa ang “Kanlungan”, na isa sa mga paboritong kanta ni Aquino.

Inawit naman ng mag-asawang Regine at Ogie Alcasid ang “Hindi Ka Nag-Iisa” na ibinigay ng dalawang mang-aawit sa kampanya ni Aquino sa pagkapangulo noong 2010.

Show comments