US Pres. Biden nakiramay sa pagpanaw ni Aquino

Sa statement ng White House, sinabi ni US President Joe Biden na kaibigan ng Amerika si dating Pangulo Benigno “Noynoy” Aquino III at maaalala ito sa pagsisilbi sa bansa ng may integridad at dedikasyon.
Andrew Harnik-Pool/Getty Images/AFP POOL

MANILA, Philippines — Nakidalamhati si US President Joe Biden sa sambayanang Filipino dahil sa pagpanaw ni dating Pangulo Benigno “Noynoy” Aquino III sa edad na 61 kamakalawa.

Sa statement ng White House, sinabi ni Biden na kaibigan ng Amerika si Aquino at maaalala ito sa pagsisilbi sa bansa ng may integridad at dedikasyon.

Ayon pa kay Biden, nag-iwan ng “remarkable legacy” si Aquino hindi lang sa Pilipinas kundi sa ibang panig ng mundo.

Kinilala rin ni Biden ang pagsusulong ni Aquino ng kapayapaan, pagpapahalaga sa rule of law at pagpapalago ng ekonomiya ng Pilipinas habang gumagawa ng hakbang para isulong ang mga rules na nakabase sa international order.

Sinabi rin ni Biden na pinapahalagahan niya ang mga panahon na naka-trabaho ang Pangulo at ipinapaabot niya ang kanyang pakikiramay sa pamil­ya ni Aquino at sa lahat ng mga nagdadalamhati sa kanyang pagkawala.

Si Biden ay nagsilbing bise presidente ni dating US Pres. Barack Obama.

Show comments