^

Bansa

Alamin: Gaano kabisa vs COVID-19 variants ang iba't ibang vaccine brands?

James Relativo - Philstar.com
Alamin: Gaano kabisa vs COVID-19 variants ang iba't ibang vaccine brands?
A health worker shows a vial of Chinese Sinovac vaccine against Covid-19 coronavirus disease inside a movie theatre turned into a vaccination centre in Taguig City suburban Manila on June 14, 2021.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Ngayong naglipana na ang sari-saring mas nakahahawang COVID-19 variants, tinitignan ngayon kung ano ang epekto nito sa bisa ng mga dati nang na-develop na mga bakuna laban sa nakamamatay na virus.

Hindi kasi pare-pareho ang efficacy ng mga existing COVID-19 vaccines. Ang matindi pa rito, mas nakahahawa sa ibang variants of concern sa iba pang VOC — kahit na pare-pareho silang mas nakahahawa sa normal.

Sa kasalukuyan, tanging CoronaVac (Sinovac), AstraZeneca, Pfizer at Sputnik V vaccines pa lang ang itinuturok sa Pilipinas.

Transmissibility: Mula Alpha hanggang Delta

Narito ang estimated increase sa "transmissibility" ng COVID-19 VOCs depende sa variant, ayon sa mga datos na iprinesenta ni Dr. Rontgene Solante, miyembro rin ng Vaccine Expert Panel ng Department of Science and Technology:

  • Alpha (B 117), 29% mas nakahahawa
  • Beta (B 1.351), 25% mas nakahahawa
  • Gamma (P1), 38% mas nakahahawa
  • Delta (B1.1617.2), 97% mas nakahahawa

"This [Delta variant] is 60% more transmissible compared to your Alpha and Beta, and more or less 50% more compared to your Gamma," paliwanag ni Solante, Biyernes.

"If you look at this increased transmissibility, you will also increase its reproduction number."

Ang Alpha variant ay unang nadiskubre sa United Kingdom, habang ang Beta ay unang nakita sa South Africa. Unang naobserbahan ang Gamma variant sa Brazil habang sa India naman ang kinatatakutang Delta variant.

"'Yung probabilidad mo na maoospital ka kapag Delta variant ang nakuha mong virus ay mataas. So compared to the other mutations or variants that we have, itong pagkakaospital ay mas mataas ang probabilidad if you get the Delta variant," ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire nitong Lunes.

Bisa vs variants (depende sa brand)

Maliban sa mas nakahahawa ang ilang variants, kasama rin sa mga epekto ng kanilang mutations ang pagpapababa sa bisa ng ilang COVID-19 vaccines.

Tignan natin ang efficacy o bisa ng mga COVID-19 vaccine brands depende sa variant at studies na ginawa sa ibang bansa:

Alpha

  • Pfizer (90% sa Qatar post-EUA study, 97% laban sa severe/critical COVID-19)
  • Pfizer (94% sa Israeli post-EUA study)
  • Pfizer (93% sa UK post-EUA study)
  • AstraZeneca (75% sa UK pre-EUA study)
  • AstraZeneca (66% sa UK post-EUA study)
  • Novavax (86% sa UK pre-EUA study)

Beta

  • Pfizer (75% sa Qatar post-EUA study, 97.1% laban sa severe/critical COVID-19)
  • Johnson & Johnson (52% sa South African pre-EUA study, 73-82% laban sa severe/critical COVID-19)
  • AstraZeneca (10% mga "moderate" HIV positive sa South African pre-EUA study)
  • Novavax (51% sa South African pre-EUA study ng mga HIV positive, 43% sa parehong HIV positive at negative)
  • Sinopharm (1.6-fold reduced neutralization GMTs; minimal reduction ayon sa isang in-vitro study)

Gamma

  • Johnson & Johnson (66% laban sa moderate/severe COVID-19 sa pre-EUA Brazilian study)
  • Johnson & Johnson (73-82% laban sa servere/critical COVID-19 sa pre-EUA Brazilian study)
  • Sinovac (78% laban sa mild COVID-19 sa pre-EUA Brazilian study)
  • Sinovac (100% laban sa moderate/severe COVID-19 sa pre-EUA Brazilian study)
  • Sinovac (50.38% overall efficacy rate sa pre-EUA Brazilian study)

Delta

  • Pfizer (88% sa UK post-EUA study)
  • Pfizer (96% efficacy laban sa hospitalization sa UK post-EUA study)
  • AstraZeneca (60% sa UK post-EUA study)
  • Pfizer (92% efficacy laban sa hospitalization sa UK post-EUA study)
  • Covaxin (2-fold reduction in neutralization antibody)

Sa batayan ng World Health Organization, kinakailangang hindi bababa sa 50% ang efficacy ng isang bakuna laban sa COVID-19 bago masabing ito'y "karapat-dapat" o kapaki-pakinabang.

"Banking on these data, I still believe that all of these vaccines, especially vaccines current available in the Philippines, are still effective," dagdag ni Solante.

"It's not something to worry about, because kaonti pa naman ang Delta variant natin."

Sa kabila nito, marami pa rin sa mga pag-aaral sa vaccine efficacy ang wala pang peer-review kundi mga preprint study pa lang.

Epekto sa bisa ng 'brand mixing'

Kanina lang din nang sabihin ni Dr. Isagani Padolina na inaaral na nila ang benepisyo ng "brand mixing" at kung paano ito makakaapekto sa efficacy rates laban sa COVID-19 ngayong merong problema sa suplay at delays ng deliveries.

"'Yung brand mixing, we evaluated a couple of proposals in the VEP, and there [are] studies that are being funded right now by our government to look at [it], to see if [it's satisfactory] in terms of efficacy and transmissibility and also safety. 'Yun ang isang factor na tinitignan natin," saad ni Padolino.

Sa huling datos ng DOH ngayong araw, umabot na sa 1,385,053 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, 24,152 na ang patay.

ALPHA VARIANT

COVID-19 VACCINES

DELTA VARIANT

EXPLAINER

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with