200 barangay sa Bicol, bagong benepisyaryo ng Barangay Development Program ng gobyerno
MANILA, Philippines — May mahigit sa 200 barangay sa Bicol Region ang bagong benepisyaryo ng Barangay Development program ng pamahalaan na pagkakalooban ng mga proyektong pang-imprastraktura at pangkabuhayan na ang mga residente dito ay mahabang panahon ding naghirap dahil sa pananatili noon ng CPP-NPA.
Ayon kay National Security Adviser Hermogenes Esperon, sa susunod na taon ay may 282 barangay pa ang isasama na rin sa BDP makaraang makalaya na rin ang mga ito sa pananakop ng New People’s Army.
Ang bawat barangay ay makakatanggap ng tig-P20 milyong halaga ng proyekto para sa pagpapagawa ng kalsada, school building, health station at marami pang ibang mga serbisyo mula sa pamahalaan.
Ang BDP ay isinusulong ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Sa tala ng Philippine Statistics Office (PSA), umabot sa 7 porsiyento ang unemployment rate sa Bicol Region at 20.3% ang underemployment. Maging ang poverty rate ay sumadsad din sa 27% sa mahabang panahon.
- Latest