Patay sa COVID-19 sa Pilipinas humigit na sa 24,000 — DOH
MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health ng 6,043 bagong infection ng coronavirus disease, Huwebes, kung kaya nasa 1,378,260 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.
Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:
- Lahat ng kaso: 1,378,260
- Nagpapagaling pa: 51,410, o 3.7% ng total infections
- Kagagaling lang: 4,486, dahilan para maging 1,302,814 na lahat ng gumagaling
- Kamamatay lang: 108, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 24,036
Anong bago ngayong araw?
-
Nadagdagan ng 2 milyon ang doses ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas ngayong araw matapos lumapag sa bansa ang karagdagang mga bakuna mula sa Chinese drug manufacturer na Sinovac.
-
Itinanggi naman kanina ni Health Secretary Francisco Duque III na Pilipinas ang isa sa "huling makaaabot ng herd immunity" sa Asya laban sa COVID-19. Ito'y matapos kasing lumabas ang findings ng United Kingdom-based think tank na Pantheon Macroeconomics.
-
Ayon sa DOH, umabot na sa 9.2 milyong doses ng COVID-19 vaccines ang naituturok sa A1 hanggang A5 priority.
-
Matapos magbanta ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais niyang ipakulong ang mga ayaw pa ring magpabakuna laban sa COVID-19, inilinaw ni Dr. Beverly Ho, Director IV ng DOH Health Promotion Bureau, na nirerespeto ng gobyerno ang otonomiya ng indibidwal kung siya'y magpapaturok o hindi ng gamot.
-
Umabot na sa 178.83 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, patay na ang halos 3.9 milyong katao.
— James Relativo at may mga ulat mula kay Xave Gregorio
- Latest