^

Bansa

Kaso ng 'Delta' variant ng COVID-19 sa Pilipinas umakyat sa 17

James Relativo - Philstar.com
Kaso ng 'Delta' variant ng COVID-19 sa Pilipinas umakyat sa 17
Individuals under the A4 priority group are inoculated with the COVID-19 vaccine as the local government of Quezon City launches their QC ProtekTODO Bakuna Nights program at the city hall open grounds on June 16, 2021. The program aims to inoculate working individuals who cannot visit vaccination sites during the day due to their work schedules.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines (Updated 1:51 p.m.) — Nakapagtala ng mga karagdagang kaso ng "Delta" variant (B.1.617.2) ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, bagay na pare-parehong nanggaling mula sa Pinoy na mula sa ibang bansa.

Ito ang ibinalita ngayong Lunes ng Department of Health (DOH), batay na rin sa ulat at biosurveillance ng Philippine Genome Center (UP-PGC) at UP - National Institutes of Health (UP-NIH).

Tatlo sa apat na Pinoy ay nahawaan ng COVID-19 variant na nadiskubre sa India ay nagmula sa South Korea, kahabang ang isa naman ay nanggaling ng Saudi Arabia.

"Three of the four additional Delta variant cases are Returning Overseas Filipinos (ROF) from the MV Eastern Hope, a ship currently docked in South Korea. Upon detection of the PCR-positive Filipino crew in South Korea, they were repatriated back to the Philippines on June 3, 2021," ayon sa joint statement ng DOH, UP-PGC at UP-NIH.

"Two cases have completed the 10-day isolation after arrival in the country and were discharged upon certification of recovery, while one is still admitted in a hospital in Metro Manila."

Ika-24 ng Mayo naman nang dumating ng Pilipinas mula Saudi ang ikaapat na kaso at nakatapos na ng kanyang kinakailangang isolation period. Naka-recover naman na siya noong ika-10 ng Hunyo awt pinauwi, gayunpaman ay naka-striktong home quarantine pa rin.

"This brings the total number of Delta cases to 17," dagdag ng pahayag.

Matatandaang nanalasa ang Delta variant sa India, kasabay ng pagkakatala sa kanila ng pinakamataas na bilang ng COVID-19 cases sa iisang araw lang.

Gaya ng Alpha (B.1.1.7) at Beta (B.1.351) variants, lubhang mas nakahahawa kumpara sa normal ang Delta variant.

60% mas nakahahawa sa Alpha variant

Para ipaliwanag kung gaano katindi at bilis ng paghahawaan ng COVID-19 sa pamamagitan ng Delta variant, ikinumpara ito ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Alpha variant.

"Ang ating UK variant, ang Alpha variant, sinabi na dati na it is 60% more transmissible. Pero ang sinabi, the Delta variant is 60% more transmissible than the Alpha variant," wika ng DOH official.

"Ang ibig sabihin po, kung ang Alpha variant ay nakapanghahawa ng mga apat hanggang limang tao per every individual infected, ang Delta variant po can have about eight individuals infected sa isang taong may sakit."

Wala pa naman binabanggit ang mga pag-aaral na mas nakamamatay ang Delta variant. Gayunpaman, mas malaki ang tiyansa na maospital ka kung ito ang tatama sa'yo kumpara sa ibang uri ng COVID-19.

Bukod pa riyan, mas matagal din ang hospitalization ng mga nadadali ng naturang variant.

"'Yung probabilidad mo na maoospital ka kapag Delta variant ang nakuha mong virus ay mataas. So compared to the other mutations or variants that we have, itong pagkakaospital ay mas mataas ang probabilidad if you get the Delta variant," patuloy ni Vergeire sa isang media forum.

Sa ngayon, narito ang itsura ng mga bagong naitatalang Alpha, Beta, Delta at Theta (P.3) variants sa Pilipinas:

Alpha

  • 14 bagong kaso
  • 2 sa kanila ang patay na
  • 12 sa bagong kaso ang gumaling na
  • 1,085 na lahat ang naitatalang variant sa bansa

Beta

  • 21 bagong kaso
  • 20 sa bagong kaso ang gumaling na
  • 1 kaso ang aktibo pa
  • 1,267 na lahat ang naitatalang variant sa bansa

Theta

  • 1 bagong kaso
  • Gumaling na
  • bineberipika kung lokal na kaso o ROF

Ang Theta variant ay unang nadiskubre sa Pilipinas. Gayunpaman, hindi pa ito itinuturing na variant of concern sa ngayon ng international community.

"Currently, the Theta variant is not identified as a variant of concern (VOC) since more data is needed to conclude whether the variant will have significant public health implications," wika pa ng DOH, UP-PGC at UP-NIH.

"The DOH, UP-PGC, and UP-NIH assure the public that biosurveillance activities for the detection of COVID-19 variants shall continue amidst the increase in cases in Visayas and Mindanao."

Ipinapangalan na ngayon sa mga Greek letters ang mga nasabing COVID-19 variants upang maiwasang bansagan bilang variants ng iba't ibang bansa sa mundo.

Sa huling taya ng estado nitong Linggo, pumalo na sa 1,359,015 ang naitatalang COVID-19 cases sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, pumanaw na ang 23,621 katao. 

DEPARTMENT OF HEALTH

NATIONAL INSTITUTES OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

PHILIPPINE GENOME CENTER

VARIANT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with