8 milyong bakuna naiturok na
MANILA, Philippines — Aabot na sa walong milyong bakuna kontra COVID-19 ang naipamahagi sa taumbayan mula nang mag-umpisa ang vaccination program noong Marso.
Ayon sa National Vaccination Operations Center (NVOC), umabot na sa 8,050,711 ang naipamigay na buhat sa 14,205,870 doses ng bakuna na natanggap ng bansa.
Nasa 5,953,810 ang nakatanggap ng unang dose at 2,096,901 ang nakakumpleto na ng dalawang doses.
Sa mga ‘fully vaccinated’, nasa 1,053,378 o 94.24 porsyento ang mga healthworkers (A1). May 1,939,599 senior citizens (A2) ang nabigyan ng unang dose habang 536,476 sa kanila ang ‘fully vaccinated’ na.
Sa ‘persons with comorbidities (A3)’, nasa 498,925 ang nakakuha ng dalawang dose habang 2,005,206 ang tumanggap ng unang dose.
Sa mga ‘essential workers (A4), 452,600 ang nakatanggap ng unang dose at 8,127 na ang ‘fully vaccinated.’ May 23,826 na kabilang sa ‘indigent sector (A5)’ na rin ang nabakunahan.
- Latest