MANILA, Philippines — Naghahanap na si Senador Richard Gordon ng kanyang magiging ka-tandem sa 2022 elections.
Sinabi ni Gordon, mayroong mga indibidwal ang nakikipag-negosasyon para maging kanyang vice-presidential candidate at kanila itong tinitingnan kung tanggap ito ng publiko.
Tulad na lamang umano noong tumakbo siya na ang kanyang ka- tandem ay si dating MMDA chairman at ngayon ay Congressman Bayani Fernando, dahil kapwa sila mabuting lider at implementers kaya kapag nanalo sila ay maipapagpatuloy ng kanyang bise ang nasimulan niya.
Subalit sa ngayon ay patuloy pa rin umanong pinag-aaralan ni Gordon ang posibilidad na pagtakbo sa 2022 elections bilang pangulo.
Ang Senador ay nauna nang tumakbo noong 2010 subalit natalo siya laban kay dating Pangulong Benigno Aquino III.
Si Gordon ay chairman ngayon ng Philippine Red Cross (PRC).