^

Bansa

‘Red alert’ sa suplay ng kuryente asahan – DOE

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
âRed alertâ sa suplay ng kuryente asahan â DOE
Ito ang sinabi ni Director Mario Marasigan, director ng Electric Power Industry Management Bureau ng Department of Energy sa pagdinig ng Senate Committee on Energy ni Sen. Win Gatchalian.
Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Inaasahan na magkakaroon ng “red alert” o manipis na supply ng kuryente sa susunod na linggo.

Ito ang sinabi ni Director Mario Marasigan, director ng Electric Power Industry Management Bureau ng Department of Energy (DOE) sa pagdinig ng Senate Committee on Energy ni Sen. Win Gatchalian.

Paliwanag ni Marasigan, inaasahan ang red alert sa linggong papasok o sa Hunyo 24 at maaaring abutin ito hanggang week 30 o hanggang sa susunod na anim na linggo.

Base umano sa nakuha nilang datos sa National Grid Corporation ay magsasabay-sabay ang maintenance ng mga planta ng mga kuryente.

Kapag red alert ay nanganganib ang brownout, subalit nilinaw ni Marasigan na hindi nila agad sinasabi na potensyal ang mga brownout dahil mayroon naman silang ginagawang mga mekanismo.

DOE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with