^

Bansa

Philippine internet speed tumaas sa global ranking

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Malaki ang iniangat ng global ranking ng Pilipinas sa internet speed, base sa May 2021 Ookla Speedtest Global Index report.

Ang monthly improvement ng bansa sa speeds ay third best sa buong mundo sa parehong kategorya.

Sa 180 bansa, ang fixed broadband speed ng Pilipinas ay nasa ika-65 na ngayon, habang nasa ika-77 mula sa 137 bansa sa mobile.

Pangunahing dahilan ng malaking pag-angat sa ranking sa mga nakalipas na buwan ay ang all-out support ng administrasyong Duterte sa pagpapabilis ng pag-iisyu ng LGU permits na kinakailangan para mapabilis ang pagbuti ng telco infrastructure.

Sa 50 bansa sa Asia, ang internet speed ng Pilipinas ay nasa ika-17 na sa fixed broadband at ika-23 puwesto sa mobile.

Sa Asia-Pacific, mula sa 46 bansa, ang Pilipinas ay ika-14 sa fixed broadband at ika-12 sa mobile.

Sa ASEAN, ang Pilipinas ay ranked 5th kapwa sa fixed broadband at mobile mula sa 10 bansa.

Ikinatuwa rin ng National Telecommunications Commission, PLDT, Globe, Converge at DITO ang inisyatiba ng Department of Public Works and Highways na payagan ang mga telecom companies na okupahan ang bahagi ng Right of Way (ROW) ng gobyerno bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na masiguro ang internet connectivity sa buong bansa.

vuukle comment

INTERNET SPEED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with