Pasko ngayong taon, magiging ‘merry’ – Año
MANILA, Philippines — Kumpiyansa si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na magiging mas masaya ang Pasko ng mga Pinoy ngayong taon dahil na rin sa pagdada-tingan pa ng mas mara-ming COVID-19 vaccines sa bansa at mas mabilis na pagbabakuna sa mga mamamayan.
“We’ll have a merrier/happier Christmas this year because we will be hitting the population protection level before the end of the year. That means at least half of our total population has been vaccinated. Almost all businesses are opened by then and almost all restrictions are eased (by then),” sabi ng kalihim.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH), hanggang Hunyo 13, kabuuang 6,948,549 doses na ang naibigay ng pamahalaan.
Sa naturang bilang, 5,068,855 ang first doses at 1,879,694 ang second doses.
Ang total doses na naiturok sa ika-15 linggo ng vaccination rollout ay umabot na sa 982,898 doses.
Hanggang nitong Hunyo 16, ang Pilipinas ay nakatanggap na ng kabuuang 12,705,870 bakuna, na kinabibila-ngan ng mga donasyon at binili ng pamahalaan.
- Latest