^

Bansa

Sara pinag-iisipan ang pagtakbong Pangulo sa 2022

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinag-iisipan na umano ni Davao City Mayor Sara Duterte kung ano ang magiging desisyon sa 2022 presidential elections, ayon sa ulat ng ABS-CBN.
“Walang script, ngayon is pinag-iisipang maigi ‘yung desisyon dahil hindi siya madaling trabaho na gawin,” napaulat na sinabi ni Mayor Duterte.

Sinabi rin umano ng alkalde na nagdesisyon na siya noong Enero pero hiniling sa kanya ng partido na ikonsidera ang desisyon hanggang Hulyo.
Nauna nang sinabi ni Sara na wala siyang balak na tumakbong presidente ng bansa.

“Well nag-decide na ako nung January. I was asked to extend it till April 30, then by April 30 I was asked to extend it till July. So July binigyan ako ng HNP (Hugpong ng Pagbabago) governors until July to decide,” wika niya.

Gayunman, tiniyak ni Sara na hindi magkakaroon ng Duterte-Duterte tandem sa 2022 elections.

Wala naman siyang binanggit na posibleng ka-tandem kasabay nang pagsabi na lahat ng mga napipisil na maging katambal niya ay kanyang mga kaibigan.

Kabilang sa napabalitang posibleng maging running mate niya si dating Defense Sec. Gilbert“Gibo” Teodoro, Bongbong Marcos at iba pa.

Matatandaan na mismong si Pa-ngulong Rodrigo Duterte ang nagsabi sa anak na huwag kumandidatong Pangulo dahil bukod sa maliit ang suweldo ay napakaraming trabaho.

SARA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with