GCQ 'na may ilang paghihigpit' ipatutupad sa NCR, Bulacan simula Miyerkules
MANILA, Philippines — Mananatili ang general community quarantine (GCQ) na may ilang "restrictions" sa Metro Manila at probinsya ng Bulacan simula Miyerkules, paglalahad ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Lunes.
Ito'y kahit ilang beses nang sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na malamang ibalik ang "regular na GCQ" sa National Capital Region, Rizal, Laguna, Bulacan at Cavite, bagay na magpapataas sana sa maximum capacity na pinapayagan sa mga establisyamento sa ilalim nito.
Epektibo ang mga bagong klasipikasyon mula ika-16 hanggang ika-30 ng Hunyo.
Kasamang maisasailalim sa GCQ ang:
- Metro Manila at Bulacan (na may ilang restrictions)
- Rizal, Laguna at Cavite (may heightened restrictions)
- Baguio City
- Kalinga
- Mountain Province
- Abra
- Benguet
- Isabela
- Nueva Ecija
- Quirino
- Batangas
- Quezon
- Iligan City
- Davao del Norte
- Gen. Santos City
- Sultan Kudarat
- Sarangani
- Cotabato
- South Cotabato
- Lanao del Sur
- Cotabato City
Mahigpit-higpit na modified enhanced community quarantine naman ang ipapatupad sa:
- City of Santiago
- Cagayan
- Apayao
- Ifugao
- Bataan
- Lucena City
- Puerto Princesa
- Naga City
- Iloilo City
- Iloilo
- Negros Oriental
- Zamboanga City
- Zamboanga Sibugay
- Zamboanga del Sur
- Zamboanga del Norte
- Cagayan de Oro City
- Davao City
- Butuan City
- Agusan del Sur
- Dinagat Islands
- Surigao del Sur
Mananatili naman sa pinakamaluwag na modified general community quarantine ang lahat ng parte ng bansa na hindi nabanggit sa itaas.
Linggo lang nang sabihin ni OCTA Research Group fellow Guido David na suportado nila ang shift patungong "normal na GCQ" ng Kamaynilaan lalo na't papaliit nang papaliit ang arawang ambag ng Metro Manila sa COVID-19 cases: 27% na lang mula sa dating 97%.
Kasalukuyang ang Davao City, na hometown ni Duterte, ang may pinakamataas na bilang ng mga kasong naitatala sa isang araw lang kamakailan, ngunit pati rin ito ay pababa na rin ani David.
Kanina lang nang Metropolitan Manila Development Authority na napagkasunduan na ng mga Metro Manila mayors na lalong paiksiin ang curfew hours simula Martes, bagay na magsisimula na pagpatak ng hatinggabi 'di katulad ng 10 a.m. sa ngayon.
Sa huling taya ng Department of Health, umabot na sa 1.32 milyong kaso ng COVID-19 ang naitatala sa bansa simula noong Marso 2020. Patay naman na ang 22,845 sa kanila.
- Latest