Sara, Bongbong, Bong Go, Pacquiao at Isko ‘pambato ni Duterte sa 2022

MANILA, Philippines — Lima na mga posibleng kandidato sa pagka-presidente ang pinagpipi­lian ni Pangulong Rodrigo Duterte na susuportahan sa national elections sa susunod na taon.

Tinukoy ni Presidential spokesperson Harry Roque sina Davao city mayor Sara Duterte at Senador Bong Go.

Pero ayon kay Roque, hindi pa rin sang-ayon ang nakatatandang Duterte na tumakbong pangulo ang kaniyang anak sa susunod na halalan.

“Wala pa po siyang desisyon as to who might run: Mayor Sara, Senator Manny Pacquiao, former Senator Bongbong Marcos, Jr., and even Manila Mayor Isko Moreno,” sabi ni Roque nitong Huwebes.

“‘Yan ang mga naririnig ko, including Senator Bong Go,”  dagdag niya.

Si Pacquiao ang presidente ng PDP-Laban party, na ang tumatayong chairman ay si Pres. Duterte.

Miyembro naman ng partido sina Moreno at si Go, na long-time aide at pinagkakatiwalaan ng pangulo.

Una rito, sinabi ni House Ways and Means chairman at PDP-Laban stalwart Rep. Joey Salceda, naniniwala siyang tatakbong pangulo sa 2022 si Sara.

Limang partido umano ang handang tumulong kay Sara.

Gayunman, sinabi ni Roque na wala siyang alam kung nakapagdesisyon na ang anak ng pangulo.
 

Show comments