MANILA, Philippines — Patuloy na kumikilos hilaga hilagangkanluran sa coastal waters kanluran ng Pangasinan ang Tropical Storm Dante, ayon sa ulat ng PAGASA ngayong Huwebes.
Bandang 7 a.m. nang mamataan ang sentro ng bagyong Dante 145 kilometro kanluran hilagangkanluran ng Dagupan City, Pangasinan.
- Lakas ng hangin: 65 kilometro kada oras malapit sa gitna
- Bugso ng hangin: 90 kilometro kada oras
- Direksyon: hilaga hilagangkanluran
- Bilis: 35 kilometro kada oras
"'DANTE' is forecast to weaken into a tropical depression within the next 12 hours and into a remnant low on Saturday," sambit ng PAGASA ngayong araw sa isang pahayag.
Sa kabila nito, Signal no. 2 pa rin sa kanlurang bahagi ng Pangasinan gaya ng Dasol, Mabini, Burgos, City of Alaminos, Agno, Bani, Bolinao, Anda.
Mapaminsalang "gale-force winds" ang inaasahan sa mga naturang lugar. Bukod pa 'yan sa mararahas hanggang napakamararahas na karagatan (2.5-4 metro). Pinapayuhan ng gobyerno ang mga marinong kulang sa karanasan na agad-agad maghanap ng masisilungan sa laot.
Samantala, malalakas na hangin ang matitikman ng mga sumusunod na lugar sa susunod na 36 oras, dahilan para ibaba ang Signal no. 1:
- gitnang bahagi ng Pangasinan (Bugallon, Lingayen, Binmaley, Dagupan City, Mangaldan, Calasiao, San Carlos City, Aguilar, Mangatarem, Urbiztondo, Labrador, Infanta, San Fabian, Sual)
- hilagangkanlurang bahagi ng Tarlac, (San Clemente)
- hilagang bahagi ng Zambales (Santa Cruz, Masinloc, Palauig, Candelaria, Iba)
"Moderate to heavy rains [will be experienced] over Pangasinan, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro including Lubang Islands, and Calamian Islands," ayon sa statement ng PAGASA ngayong araw.
"Light to moderate with at times heavy rains over Ilocos Region Cordillera Administrative Region, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Rizal, Laguna, Cavite, Batangas, Oriental Mindoro, and the northern portion of mainland Palawan including Cuyo Islands."