6,684 bagong hawa ng COVID-19 sa Pilipinas, pinatalon mga kaso sa 1.23-M
MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 6,684 bagong infection ng coronavirus disease (COVID-19), Biyernes, kung kaya nasa 1,230,301 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.
Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:
- Lahat ng kaso: 1,230,301
- Nagpapagaling pa: 54,290, o 4.4% ng total infections
- Kagagaling lang: 6,098, dahilan para maging 1,155,045 na lahat ng gumagaling
- Kamamatay lang: 107, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 20,966
Anong bago ngayong araw?
-
Nakatakda namang ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bagong community quarantine classifications sa bansa ngayong gabi, bagay na magiging epektibo para sa buwan ng Hunyo.
-
Pinapahupa naman ngayon ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang pangamba ng ilang Pilipino pagdating sa bagong COVID-19 variant na natagpuan sa bansang Vietnam, bagay na malapit-lapit lang mula sa bansa. Kaugnay niyan, sinabi ni Vergeire na walang dapat ika-panic basta't paigtingin lang ang pagpapatupad ng health protocols.
-
Samantala, pagtuloy namang napapansin ang pagbaba ng mga COVID-19 cases sa Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite at Laguna ayon kay Vergeire. Gayunpaman, bumabagal daw ang pagbaba ng mga nasabing infections sa "NCR Plus."
-
Aprubado na ng gobyerno ng Pilipinas ang pagbabakuna ng lahat ng national athletes kahit na yaong mga hindi pa kasali sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, ani Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino. Biyernes lang nang halos 730 atletang Pinoy ang sinimulan turukan ng Sinovac.
-
Nasa 50,000 doses pa ng Sputnik V vaccines mula sa kumpanyang Gamaleya ng Rusya ang dumating sa Pilipinas, bagay na lulan ng flight sa pamamagitan ng Qatar Airways nitong Linggo.
-
Umabot na sa halos 169.6 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, patay na ang mahigit 3.53 milyong katao.
— James Relativo
- Latest