Novavax interesadong magtayo ng planta ng COVID-19 vaccine sa Pinas

Ang paglalarawan na ito ay nagpapakita ng mga vial na may mga sticker ng Vaccine-COVID-19 na nakakabit at mga hiringgilya na may logo ng kumpanya ng biotech ng Estados Unidos na Novavax, noong Nobyembre 17, 2020. Community Verified icon
AFP/Justin Tallis

MANILA, Philippines — Isang US-based company Novavax Inc. ang umano’y interesadong magtayo ng manufacturing plant sa bansa para gumawa ng bakuna kontra COVD-19.

Paliwanag ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, ang Novavax ay may agreement sa Serum Institute sa India subalit gusto nilang dito magtayo sa Pilipinas at balak itong itayo sa Clark Airbase Pampanga.

Plano rin umano ng American company Arcturus Therapeutics na magtayo ng manufacturing plant sa bansa para sa Asian market.

Ang Arcturus umano na nakabase sa San Diego ay gumagawa ng Johnson and Johnson vaccines at pinag-aaralan na kung puwedeng magtayo rito para sa Asian market.

Una ng sinabi ni Manuel V. Pangilinan ng Metro Pacific Investments Corp. (MPIC) na interesado rin itong magtayo ng manufacturing plant ng COVID vaccine sa bansa.

Show comments