SMC, DPWH binuksan ang Skyway Stage 3 Quirino southbound exit
MANILA, Philippines — Mapapabilis na ngayon ang paglalakbay ng mga motoristang galing ng Balintawak at Quezon Avenue patungong Maynila ng wala pang 20 minuto mula sa dating isa at kalahating oras na biyahe.
Ito ay matapos buksan ng San Miguel Corporation (SMC), sa pamamagitan ng SMC Infrastructure, ang southbound Quirino exit ng Skyway Stage 3 elevated expressway para sa mga Class-1 vehicles.
Pinamunuan nina SMC president Ramon S. Ang at Department of Public Works and Highways (DPWH) secretary Mark Villar ang nasabing Skyway Stage 3 Quirino southbound exit opening.
“The full completion of Skyway Stage 3 will divert at least 75,000 vehicles away from EDSA or C5. This is a realization of President Duterte’s promise to decongest EDSA,” ani Villar. “Skyway Stage 3 is proof that the private sector and the government can work together towards a unified solution.”
Ipagpapatuloy ng SMC ang kanilang pangako sa mga motorista na paggawa ng mga quality infrastructure na reresolba sa mabigat na trapiko at hindi madaanang mga kalsada, ayon naman kay Ang.
Ayon sa SMC, 100 porsiyentong pinondohan at itinayo ang Skyway Stage3, ang expressway ay mayroon na ngayong 15 operational ramps.
- Latest