^

Bansa

'After 4 years': Palasyo tiwalang babangon ang Marawi sa loob ng 1 taon

Philstar.com
'After 4 years': Palasyo tiwalang babangon ang Marawi sa loob ng 1 taon
Naglalakad ang mga sundalong ito sa mga guho ng Lungsod ng Marawi, ika-23 ng Mayo, 2021 — apat na taon matapos ang Islamic State-inspired attacks
AFP/Ferdinandh Cabrera

MANILA, Philippines — Apat na taon matapos ang Marawi Seige, kumpiyansya ang Malacañang na kayang "maibabalik sa dati" ang Lungsod ng Marawi bago magtapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.

Ito ang ipinangako ni presidential spokesperson Harry Roque, Lunes, alinsunod na rin na itinatayang projection ni Digong.

"Well ang pangako po ng presidente, babangon uli po ang Marawi, at ang pangako po niya ay sa kanyang termino," ani Roque sa isang press briefing, Lunes.

"So we have roughly a year bago po matapos ang termino ng presidente and I think the target can be met, that Marawi will be completely rebuilt at the end of the term of the president."

Ika-23 ng Mayo, 2017 nang salakayin ng grupong Maute at Abu Sayyaf ang Lungsod ng Marawi, mga grupong kaalyado ng teroristang Islamic State. Nagresulta ito sa bakbakan sa mga pwersa ng gobyernong tumagal nang hanggang limang buwan.

Kaugnay niyan, nagdeklara tuloy ng martial law si Duterte sa Mindanao, na siyang tumagal nang 953 araw. 'Yan ay kahit Oktubre 2017 pa lang ay idineklara nang "malaya sa terorista" ang nasabing lungsod. Halos 200 ang namatay sa gobyerno habang mahigit 1,000 naman sa mga terorista.

Patuloy pa ni Roque, matagal na nilang planong makapag-press briefing sa Marawi para maipakita ang inuusad ng rehabilitasyon. Posibleng maipupwesto raw nila ito pagsapit ng Hunyo.

Hindi pa naman daw nakikita ni Roque ang panukalang Marawi Compensation Bill sa ngayon sa lehislatura, kung kaya't hindi pa makapagkumento ang Palasyo kung susuportahan ito ni Duterte.

Nasa Presidential Legislative Liaison Office na raw sa ngayon ang bola kung ieendoso ito kay Duterte kung sesertipikahang urgent gawing batas.

"Ang pagsuporta naman ng presidente ay depende kung magkano talaga 'yung ilalaan. Pero sa ngayon po, bilyun-bilyon na po ang nagagastos ng gobyerno para sa rehabiltation and rebuilding of Marawi," dagdag ng tagapagsalita ng presidente.

'Karamihan sa pangako hindi matupad-tupad'

Nitong weekend lang nang igiit ng sari-saring grupo mula sa Mindanao ang pagpapabilis sa pagsasa-ayos sa Marawi, lalo na't 370,000 ang napaalis nito sa mga tahanan. Nasa P11.5 bilyon naman ang pinsalang idinulot ng sagupaan.

"Four years after the siege, most of the promises... remain unfulfilled," ayon sa Marawi Advocacy Accompaniment (MAA) sa isang pahayag noong Sabado.

"President Rodrigo Duterte's promise saying that Marawi will rise as a prosperous city again remains invisible and cannot be felt on the ground."

Magpahanggang sa ngayon, marami pa rin sa mga bakwit ng Marawi ang nakatira sa mga temporary shelters, dahilan para maging bulnerable ang mga nabanggit sa COVID-19.

Setyembre 2020 nang igiit ni Housing Secretary Eduardo del Rosario na makukumpleto ang rehabilitasyon ngayong Disyembre 2021.

"This multiple-displacement aggravated by the government's slow rehabilitation and reconstruction program has deprived the bakwits of much-needed opportunities for economic survival amid pandemic period," patuloy pa ng MAA.

ABU SAYYAF

HARRY ROQUE

MARAWI CITY

MARTIAL LAW

MAUTE

MINDANAO

RODRIGO DUTERTE

TERRORISM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with