Mayor sa CamSur, nagpaturok ng COVID-19 vaccine sa ‘puwet’
MANILA, Philippines — Wala namang naramdamang takot o pagduda si Milaor, Camarines Sur Mayor Anthony ‘Labas’ Reyes matapos siyang bakunahan sa puwet ng kanyang 1st dose ng CoViD-19 vaccine.
“Sa pagkakaalam ko, ako ang pinaka unang Mayor na naturukan ng COVID-19 vaccine sa puwet,” ani Reyes.
Ayon kay Reyes, mismong ang nurse ang nagsabi na hindi siya maaaring turukan sa braso dahil may tattoo. Isa sa mga option ang puwet na maaaring pagturukan.
Wala naman umano siyang naramdamang side effects matapos maturukan. Kasama si Reyes sa 108 indibiduwal na nabakunahan ng AstraZeneca vaccine.
Una nang sinabi ni DOH Camarines Sur Officer Dr. Rey Millena sa BNFM Naga na wala namang problema sa pagpapaturok sa buttocks, nakaugalian lamang aniya ang sa braso dahil mas madali.
Sa katunayan plano sana noon ni Pangulong Duterte na sa puwet magpaturok.
- Latest