^

Bansa

Ex-Philippine presidents kakausapin ni Duterte sa isyu ng West Philippine Sea

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Balak ng Malacañang na imbitahan ang mga dating presidente ng Pilipinas at ilang mga personalidad upang tala-kayin ang isyu ng West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nabanggit sa kanya ng Pangulo na ipapatawag ang mga da-ting presidente sa halip na i-convene ang National Security Council.
Hindi anya pabor ang Pangulo sa NSC dahil kalimitan naman ay walang nare-resolbang isyu.

Nauna rito, nanawagan si dating senator Rodolfo Biazon nang magtungo ito sa Senado na buuin ang National Security Council upang magkaroon ng iisa at malinaw na stand ang gobyerno sa isyu ng WPS.

Sinabi ni Roque na malinaw ang stand ni Duterte sa isyu kung saan isinasantabi muna ang mga hindi puwedeng mapagksunduan at isusulong ang mga puwedeng maisulong.

Wala pang petsa na ibinigay si Roque kung kailan iimbitahan ang mga dating pangulo

Nauna ng inimbita-han ni Duterte si dating Senate president Juan Ponce Enrile upang hi-ngan ng opinyon sa WPS.

WPS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with