Duterte walang side effect sa Sinopharm
MANILA, Philippines — Walang naramdaman si Pangulong Rodrigo Duterte na side effect sa bakuna laban sa COVID-19 matapos maturukan kamakalawa ng gabi.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na wala namang naging problema matapos maturukan ng Sinopharm vaccine na mula sa China ang Pangulo.
Ikinuwento pa ni Roque na pagkatapos magpabakuna ng Pangulo ay nanguna pa ito sa meeting ng Inter-Agency Task Force na tumagal ng halos dalawang oras.
Tiniyak din ni Roque na walang “adverse reaction” na nangyari sa Pangulo matapos mabakunahan.
Ang ikalawang dose ng bakuna ay ibibigay sa Pangulo matapos ang isang buwan.
- Latest