DILG inutusan ang LGUs: 'wag i-anunsyo COVID-19 vaccine brand na ituturok
MANILA, Philippines — Inatasan na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaang 'wag tukuyin ang brand ng COVID-19 vaccine na ituturok sa publiko.
Pagsuporta ito sa una nang suwesyon ni Health Undersecretary Myrna Cobotaje pagdating sa "brand agnostic" vaccine policy, na magagamit daw upang maiwasan ang kumpulan ng tao sa mga bakunahang nag-aalok ng isang partikular na brand.
"The best vaccine is the one that is available; therefore in order to overcome brand preference, LGUs should not announce the brand of vaccine to be used in vaccination centers," ani Interior Secretary Eduardo Año, Huwebes.
"The person will be informed of the brand in the vaccination center and he will have to give his informed consent but if he refuses, he will have to go back to the back of the line."
The Department of the Interior and Local Government today has directed all Local Government Units to refrain from announcing the brand of vaccines to be used in a particular vaccination center following the recommendation of the Department of Health. https://t.co/VufaVliDvW pic.twitter.com/0VlNwjyKbb
— DILG Philippines (@DILGPhilippines) May 20, 2021
Dagdag pa ni Año, aprubado naman ng Food and Drug Administration (FDA) sa pamamagitan ng emergency use authorization ang mga ito, at dumaan sa masusuing pag-aaral para matiyak ang kaligtasan ang pagiging epektibo.
"We have to be reminded that vaccine confidence should be built in the stringent processes that lead to the vaccine development, local authorization, and recommended use of these vaccines, and definitely not by the brand," sambit naman ni Health Secretary Francisco Duque III kanina.
"COVID-19 vaccines give additional protection against COVID-19 to prevent hospitalization and death. We, at DOH, call on the public to choose to be vaccinated to protect yourselves and your loved ones, the soonest possible time."
Pumalo na sa 7,671,120 doses na ang bakunang naidedeploy sa 3,850 vaccination sites sa Pilipinas. Halos 3.3 milyon na rito ang naituturok, ayon sa mga datos kahapon.
Walang mas epektibong brand?
Bagama't nirerespeto raw ng DILG ang karapatan ng indibidwal sa impormasyon, ginagawa lang daw ito upang maiwasang maulit ang mass gatherings awt mahahabang pila sa tuwing may inaanunsyong brand bago ang turukan.
Kasalukuyang naghahabol ang gobyerno pagdating sa pagbabakuna, habang tinatarget ang 3 milyong vaccinations kada linggo para maabot ang "herd immunity" pagdating ng ika-27 ng Nobyembre sa Metro Manila at marami pang probinsya.
"We need to educate the people in order to overcome brand preference... Our health experts have repeatedly said that there is none that is more effective than the other. All of them prevent hospitalization or critical illness from Covid. That is what is important," pagtatapos ng DILG official.
Binabanggit ito kahit na iba't iba ang efficacy rates ng mga naturang bakuna depende sa brand at pag-aaral na isinagawa.
Una nang sinabi ni Cabotaje na dinagsa ng ilang residente ang mga vaccination sites na unang sinabing nagbibigay ng Pfizer vaccines. Kasabay nito, kakaonti ang nakapila sa ilang bakunahan ng COVID-19 vaccines na nag-aalok ng Sinovac sa ilang sites sa Maynila.
'Hindi magpatataas ng kumpiyansa'
Kaugnay ng nasabing aksyon, nadismaya si Sen. Risa Hontiveros lalo na't posibleng mapahina raw nito ang tiwala ng taumbayan sa national vaccination program.
"Hindi natin mapapataas ang kumpiyansa ng ating mga kababayan kapag kaduda-duda ang ating mga polisiya. Senyales din ito na malaki ang pagkukulang ng DOH sa pagkumbinse sa mga tao na garantisadong ligtas at mabisa ang mga aprubadong bakuna, anuman ang brand name nito," ani Hontiveros kanina.
"We hope and expect the DOH will reconsider their policy decision. Respeto naman sa pasyente. Before being vaccinated, they need to be properly informed so they can make an appropriate decision and give informed consent... Maiiwasan sana ang mga insidente ng overcrowding kung maayos ang impormasyong matatanggap nila."
Aniya, mangangapa sa dilim dahil sa pagsisikreto ang taumbayan sa mga ganitong polisiya at habang lumilikha ng pagkainis sa immunization efforts.
Kaysa ganito ang gawin, sinabi ng senadora na mas mainam palakasin ang vaccine education program at bigyan ng insentibo ang mga nagpapaturok. "[Okay ang] grocery packs o paid vacation leave, para maengganyo silang magpabakuna. Gawin nating positive ang vaccination experience nila. The government needs to do all it can to regain the public's trust. If not, we risk never reaching herd immunity," sabi pa niya.
Umabot na sa 1.15 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas simula nang umarangkada ang pandemya. Patay na ang 19,507 sa kanila. — may mga ulat kula kay
- Latest