MANILA, Philippines — Bilang bahagi ng hakbang na matulungan ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maayudahan ang mga Pinoy ngayong pandemic, nakahanda ang WeEvolve Marketing Corporation na maglaan ng livelihood at mga oportunidad sa milyong Filipino na nawalan ng trabaho.
Ayon kay Dr. Alvin Sahagun, bagong halal na presidente ngayong 2021 at isa sa may-ari bilang Board of Director ng We Evolve, maraming paraan para kumita at masuportahan ang pangangailangan ng pamilya sa pamamagitan ng isang home-based online business at social entrepreneurship.
Sa pagkakaroon ng tamang kaalaman hinggil sa mga oportunidad na ito, sinabi ni Dr. Sahagun na walang dahilan para ang isang Pilipino ay magutom. Sinabi ni Sahagun na ang kanilang kumpanya ay marami nang natulungan na naapektuhan ng pandemic.
Sa tala ng National Statistic Authority, may 4M Pinoy mula 15-anyos pataas ang nawalan ng trabaho noong Enero 2021 dahil sa pandemic o 8.7%, na mas mataas sa data noong Enero 2020 na may 2.4 million ang jobless o 5.3%.
Si Dr. Sahagun ay aktibo sa pagkakaloob ng ayuda sa iba’t ibang grupo partikular sa pagsasagawa ng mga feeding programs at community pantries para sa mga nangangailangan.