^

Bansa

Oportunidad laan ng ‘WeEvolve’ sa mga jobless ngayong pandemic

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bilang bahagi ng hakbang na matulungan ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maayudahan ang mga Pinoy ngayong pandemic, nakahanda ang WeEvolve Marketing Corporation na maglaan ng livelihood at mga oportunidad sa mil­yong Filipino na nawalan ng trabaho.

Ayon kay Dr. Alvin Sahagun, bagong halal na presidente ngayong 2021 at isa sa may-ari bilang Board of Director ng We Evolve, maraming paraan para kumita at masuporta­han ang pangangailangan ng pamilya sa pamamagitan ng isang home-based online business at social entrepreneurship.

Sa pagkakaroon ng tamang kaalaman hinggil sa mga oportunidad na ito, si­nabi ni  Dr. Sahagun  na walang dahilan para ang isang Pilipino ay magutom. Sinabi ni  Sahagun  na ang kanilang kumpanya ay ma­rami nang natulungan na naapektuhan ng pandemic.

Sa tala ng National Statistic Authority, may 4M Pinoy mula 15-anyos pataas ang nawalan ng trabaho noong Enero 2021 dahil sa  pandemic o 8.7%, na mas mataas sa data noong Enero 2020 na may 2.4 million ang jobless o 5.3%.

Si Dr. Sahagun ay aktibo sa pagkakaloob ng ayuda sa iba’t ibang grupo partikular sa pagsasagawa ng mga feeding programs at community pantries para sa mga nangangailangan.

SAHAGUN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with