E-Sumbong, inilunsad ng PNP

Kahapon ay inilunsad ni PNP chief P/Gen. Guillermo Eleazar ang bagong sumbungan na binuo ng Directo­rate for Information and Communications Technology ng PNP.
Release/PNP PIO

MANILA, Philippines — Maaari nang ipadala ng publiko ang kanilang mga reklamo sa E-Sumbong ng Philippine National Police (PNP).

Kahapon ay inilunsad ni PNP chief P/Gen. Guillermo Eleazar ang bagong sumbungan na binuo ng Directo­rate for Information and Communications Technology ng PNP.

Sa E-Sumbong, mamo-monitor ng PNP chief ang reklamo at aksyon ng mga pulis.

Magugunitang sa pag-upo ni Eleazar, sinabi niya na ang bawat sumbong ay ituturing na utos mula sa PNP Chief sa mga pulis na gumawa ng aksyon.

Maaaring tumawag o mag-text ang mga nais magsumbong sa 0917-8475757 para sa Globe, at 0919-1601752 para sa Smart.

Habang e-sumbong@pnp.gov.ph para sa email.

Nilinaw naman ni Eleazar, na gumagana pa rin ang mga dating hotline ng PNP na maaari pa ring tawagan ano mang oras ng publiko.

Show comments