MANILA, Philippines — Umaabot sa mahigit 2 milyong college students ang natulungan ng pamahalaan sa panahon ng COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Commission on Higher Education Chairman Prospero de Vera III, sa virtual opening ng ika-27th founding anniversary ng CHED kahapon, may 1.5 milyon na nag-aaral sa state at local universities and colleges ang nabigyan ng libreng tuition at miscellaneous fees sa pamamagitan ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act.
May 400,000 estudyante naman ang nakatanggap ng stipends sa ilalim ng Tertiary Education Subsidy habang 400,000 iba pa ang nakakuha ng scholarships sa ilalim ng Tulong Dunong program.
Matatandaang dahil sa banta ng COVID-19 ay napilitang magsarado ng kanilang mga campus ang mga kolehiyo at unibersidad sa bansa.
Upang maipagpatuloy naman ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral kahit may pandemya, nagpatupad ang mga ito ng flexible learning gamit ang pinaghalong online o virtual classes at offline o printed learning materials methods.