^

Bansa

31 pa tinamaan ng COVID-19 variants

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
31 pa tinamaan ng COVID-19 variants
Kabilang dito ang 10 B.1.617.2 (Indian variant), 13 B.1.1.7 (UK variant) pitong B.1.351 (South Africa) at isang P.3 (Philippines).
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Natukoy pa ang karagdagang 31 iba’t ibang COVID-19 variants mula sa 37 samples na isinailalim sa genome sequencing, ayon sa ulat ng Department of Health, UP-Philippine Genome Center at UP-National Institutes of Health kahapon.

Kabilang dito ang 10 B.1.617.2 (Indian variant), 13 B.1.1.7 (UK variant) pitong B.1.351 (South Africa) at isang P.3 (Philippines).

Sa pinakahuling sequencing ay kabilang ang samples mula sa crew members ng  MV Athens Bridge, returning overseas Filipinos (ROFs) na may travel history, deceased severe o  critical COVID-19 cases.

Ang 10 B.1.617.2 variant cases ay karagdagan sa 2 pang kasong naiulat nitong Mayo 11. Sa 10 kaso, isa rito ang seafarer na nanggaling sa Belgium at ang siyam ay crew ng MV Athens Bridge.

Samantala, karagdagan pang 13 UK variant cases ang natukoy sa bansa, kabilang dito ang tatlong  ROFs at 10 local cases. Isa sa mga ito ang namatay na habang ang 12 naman ay nakarekober na.

Sa pitong South Africa variant, dalawa ang ROFs, dalawa ang local cases, at tatlong kaso ang kasalukuyan pang biniberipika kung sila ay local o ROF cases.

Base naman sa case line list, dalawa sa mga ito ay nananatiling aktibong kaso pa, isa ang namatay na at apat naman ang nakarekober.

Ang karagdagan namang P.3 variant case ay natukoy na local case at taga-Region IX. Binawian ito ng buhay noong Pebrero 28, 2021.

Ayon sa DOH, hanggang sa kasalukuyan, ang P.3 variant ay hindi pa rin itinuturing na variant of concern.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with