MANILA, Philippines — Pormal nang itinaas ang tropical cyclone wind signals sa ilang probinsya sa Pilipinas matapos mamuo ang Tropical Depression Crising sa loob ng Philippine area of responsibility.
Bandang 7 a.m. ng Lunes nang mamataan ng PAGASA ang bagyong "Crising" sa lugar ng Marawi City, Lanao del Sur, ayon sa pagtataya ng mga state meteorologists.
- lakas ng hangin: 45 kilometro kada oras malapit sa gitna
- bugso: 75 kilometro kada oras
- pagkilos: kanluran hilagangkanluran
- bilis: 15 kilometro kada oras
- posisyon bukas: 310 kanluran ng Dumaguete City, Negros Oriental
Dahil riyan, ibinaba ang Signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar (kung saan mararanasan ang nasa 30-60 kilometro kada oras na lakas ng hangin):
- timogsilangang bahagi ng Negros Oriental (Dumaguete City, Valencia, Sibulan, Santa Catalina, Siaton, Zamboanguita, Dauin, Bacong)
- Siquijor
- kanlurang bahagi ng Misamis Oriental (Jasaan, Villanueva, Tagoloan, Cagayan de Oro City, Opol, City of El Salvador, Alubijid, Manticao, Lugait, Naawan, Initao, Libertad, Gitagum, Laguindingan)
- kanlurang bahagi ng Bukidnon (Manolo Fortich, Sumilao, Pangantucan, Kalilangan, Talakag, Baungon, Libona)
- hilang kanlurang bahagi ng Cotabato (Banisilan, Alamada)
- hilagang bahagi ng Maguindanao (Matanog, Barira, Buldon)
- Lanao del Sur, Lanao del Norte
- Misamis Occidental
- hilagangsilangang bahagi ng Zamboanga del Sur (Midsalip, Sominot, Dumingag, Molave, Mahayag, Josefina, Tambulig, Ramon Magsaysay, Aurora, Tukuran, Labangan)
- hilagangsilangang bahagi ng Zamboanga del Norte (Sergio Osmeña Sr., Katipunan, Pres. Manuel A. Roxas, Jose Dalman, Manukan, Dipolog City, Polanco, Piñan, Mutia, Dapitan City, Sibutad, Rizal, La Libertad)
Posibleng magtamo ng bahagyang pinsala o walang pinsala sa mga low risk structures habang bahagya hanggang katamtamang pinsala sa mga high risk structures kaugnay ng lakas ng hangin.
Gayunpaman, posibleng magtamo ng malaking pinsala ang mga tanim na palay lalo na kung namumulaklak na ito.
"Today, light to moderate with at times heavy rains may be experienced over Zamboanga Peninsula, Davao Oriental, Davao de Oro, Davao del Norte, Davao City, Davao del Sur, Cotabato, Maguindanao, Bukidnon, Lanao del Norte, Lanao del Sur, and Misamis Occidental," ayon sa PAGASA kanina.
"Under these conditions, isolated flash flooding and rain-induced landslides are possible during heavy or prolonged rainfall especially in areas that are highly or very highly susceptible to these hazards as identified in hazard maps."
Kaugnay nito, maaari ring bahain ang mga malalapit na lugar na nabanggit sa itaas kahit na wala gaanong pag-ulan dahil sa mga "surface runoff" o pamamaga sa mga river channels.
Wala pa namang naitatalang mga namamatay o anumang damages sa bansang dulot ng Tropical Depression Crising sa ngayon, ayon sa pinakabagong tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ngayong umaga.
Meron namang standby funds na P1.25 bilyon ang Department of Social Welfare and Development Central Office, field offices at National Operations Center, maliban sa mga stockpiles para tugunan ang panganib ng nasabing sama ng panahon.