^

Bansa

Heat stroke at iba pang sakit sa tag-init, ibinabala ng DOH

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Heat stroke at iba pang sakit sa tag-init, ibinabala ng DOH
Sinabi ni DOH-Calabarzon Regional Director Dr. Eduardo Janairo na maliban sa heat stroke, dapat iwasan din ng publiko ang ‘sunburn,’ mga sakit sa balat, ‘heat cramps,’ at ‘heat exhaustion.’
FREEMAN/ File

MANILA, Philippines — Mas pinaigting ng Department of Health (DOH) ang panawagan sa publiko na iwasang maglalabas ng bahay dahil sa bukod sa COVID-19, mapanganib rin ngayon ang mga sakit dulot ng matinding init kabilang na ang heat stroke.

Sinabi ni DOH-Calabarzon Regional Director Dr. Eduardo Janairo na maliban sa heat stroke, dapat iwasan din ng publiko ang ‘sunburn,’ mga sakit sa balat, ‘heat cramps,’ at ‘heat exhaustion.’

Hindi umano dapat balewalain ng publiko ang epekto sa kalusugan ng sobrang init na maaaring magdulot ng mas matindi pang mga karamdaman.

Dapat iwasang lumabas ng bahay sa pagitan ng mga oras mula alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon na may pinakamainit na temparatura sa isang araw.  Dapat din na palagian ang pag-inom ng tubig para maiwasan ang dehydration.

Nitong Mayo 12, 2021, ang Sangley Point sa Cavite ay nakapagtala ng maximum heat index na 46 degree Celsius, samantalang sa Ambulong, Batangas ay nakapagtala ng 42 °C.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang pinakamataas na highest heat index ay naitala nila sa Dagupan City, Pangasinan na umabot 51°C noong Mayo 8, 2021.

DOH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with