MANILA, Philippines — Lumakas ang bagyong Crising at patuloy ang pagkilos sa may kanluran hilagang kanluran sa may Davao-Surigao del Sur area.
Ala-1:00 ng hapon kahapon, ang sentro ng bagyong si Crising ay namataan ng PagAsa sa layong 250 kilometro ng silangan ng Davao City, Davao del Sur taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 65 kilometro malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na aabot sa 80 kilometro bawat oras.
Dahil dito, nakataas ang Signal number 2 ng bagyo sa southern portion ng Surigao del Sur (Lingig, City of Bislig), southern portion ng Agusan del Sur (Loreto, Trento, Bunawan, Santa Josefa, Veruela), northern portion ng Davao Oriental (Boston, Cateel, Baganga), northern portion ng Davao de Oro (Laak, Monkayo, Montevista, Compostela, New Bataan, Nabunturan,Mawab), at northern portion ng Davao del Norte (Kapalong, San Isidro, Asuncion, New Corella, Talaingod)
Kahapon at ngayong biyernes ng umaga ay makakaranas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag ulan sa Surigao del Sur, Agusan del Sur, Davao Oriental, Davao de Oro, at Davao del Norte. Ang mga residente dito ay pinag iingat sa banta ng pagbaha at flashfloods dahil sa pag uulan doon.
Ngayong Biyernes, si Crising ay inaasahang nasa bisinidad ng Loreto, Agusan del Sur at sa Sabado ay nasa layong 180 kilometro ng kanluran ng Dumaguete City, Negros Oriental at sa linggo ay nas alayong 115 kilometro ng kanluran ng Puerto Princesa City, Palawan.