MANILA, Philippines — Masama ang loob ng mga mangingisda pagdating sa panibagong pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte pagdating sa paghawak niya sa girian buhat ng West Philippine Sea — dahilan para maramdaman nilang "nagoyo" lang sila ng matatamis na pangako noong 2016 presidential debates.
Lunes lang kasi nang sabihin ni Digong ang sumusunod matapos mangakong "handa siyang mamatay" at mag-jet ski patungong West Philippine Sea para igiit sa Tsina ang exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas:
Related Stories
"Panahon sa kampanya ‘yan. At saka ‘yong biro na ‘yon... we call it 'bravado,' ‘yong bravado ko that was just a pure campaign joke. At kung naniniwala kayo sa kabila, pati na siguro si Carpio... I would say that you are really stupid. Sige, maghanap ka ng tao dito magpunta ng jet ski. Hindi pa mag-abot pa ng ilang oras I would conk out in the middle of the sea."
"Masama ang loob namin... inaasahan namin na 'yun ang gagawin niya [jet ski papuntang Scarborough Shoal]. Bakit sinabi niyang joke-joke lang? Baka... joke-joke lang siyang naging presidente natin," ani Carlo Montehermozo panayam ng TeleRadyo, Miyerkules.
"Ay marami rito [ang sumama ang loob]. Kahit 'yung mga hindi pa nakarating ng Scarborough, sinasabi sa akin 'yan, 'Wala na, nag-uulyanin na ang presidente natin.'"
Aniya, hangang-hanga pa naman siya kay Digong nang sagutin ang tanong niya noon sa pag-asang wala na raw mantataboy sa kanila sa mga karagatang nasa EEZ naman ng Pilipinas.
Dagdag pa niya, wala na raw gaanong panggigipit ngayon sa dagat ang mga Tsino. Gayunpaman, pinaaalis daw ng mga banyaga ang mga nakasakay lang sa maliliit na bangka: "[K]ami naman bumabalik na lang sa malalaking bangka namin para hindi na kami mataboy lahat," dagdag pa ni Montehermozo.
"Iba na lang siguro [sana ang presidente sa 2022]. Ibang presidente na lang," dagdag pa niya. Magdadalawang-isip din daw silang mga mangingisdang suportahan ang mga kaalyado ni Digong dahil sa isyu.
'Umasa ang taong magiging matapang siya vs Tsina'
Sa panayam ng Philstar.com, sinabi ng political analyst at Ateneo School of Government professor Antonio La Viña na galit ang maraming Pinoy lalo na't umasa sila sa matapang na tindig laban sa pang-ookupa at harassment ng Tsina sa laot ng 'Pinas.
"The jet ski remark was clearly a joke. Everyone gets that. But it was a joke with a serious message - that Duterte was promising to defend our national territory with all the powers of the presidency," ani La Viña.
"Nobody, including the fisherman, expected him to jet ski to the West Philippine Sea. But we expected him to strongly resist China’s incursions and attacks on our national territory. That is why the fisherman is hurt and all of us are."
Ika-3 lang ng Mayo nang sabihin ni Digong na hindi niya kailanman ipinangakong babawiin ang West Philippine Sea mula sa Tsina noong panahon ng kampanya, kahit na in-award na ito ng Permanent Court of Arbitration sa bansa noong 2016.
Ayon naman kay Michael Henry Yusingco, senior research fellow ng Ateneo Policy Center, paglabag sa Saligang Batas ang ginagawa ni Duterte lalo na't "public trust" daw dapat ang panunungkulan sa gobyerno.
"So, broadly speaking, such flippancy displayed by the president in this instance, betrays a lack of serious understanding about the WPS issue, at the very least. The feeling of being punched in the gut intimated by the fisherman who asked the jet ski question is understandable and justified," wika ni Yusingco.
"Their appeasement policy in the WPS may have put the country in a position to lose more territory and could have severely compromised the food security of future generation of Filipinos."
'No joke, hindi kami makapangisda'
Bagama't ilang beses inuulit-ulit ni Duterte at presidential spokesperson Harry Roque na "malaya" ang mga Pinoy mangisda sa Scarborough, na kilala rin sa tawag na Panatag Shoal or Bajo de Masinloc, naninindigan ang Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) na malayo ito sa katotohanan.
"The lagoon inside Panatag Shoal provides us shelter from the storm. Aside from being a safe haven, it provides us abundant marine species that we could take back home after weeks of taking sanctuary," ani Bobby Roldan, vice chair for Luzon ng grupo.
"But since China intensified its control over our [EEZ], we have practically lost Panatag Shoal as well, and other traditional fishing grounds in the West Philippine Sea."
Ayon naman kay dating Anakpawis party-list Rep. Fernando Hicap, kasuklam-suklam ang panloloko ni Digong sa mga mangingisda habang itinuturing na biro ang isyu ng soberanya ng bansa. Dapat na rin daw maghandang matalo sa 2022 elections ang kanyang mga ieendorso dahil sa isyu. — may mga ulat mula kay Bella Perez-Rubio