Magnitude 5.8 na lindol yumanig sa lugar ng Occidental Mindoro
MANILA, Philippines (Updated 10:32 a.m.) — Malakas-lakas na pag-uga ng lupa ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phiovolcs) matapos nitong yumugyog mula sa rehiyon Mimaropa ngayong araw.
Bandang 9:09 a.m. nang yugyugin ng nasabing magnitude 5.8 na lindol ang epicenter nito 11 kilometro mula sa Abra de Alog, Occidental Mindoro, ayon sa ulat ng Phivolcs, Miyerkules.
#EarthquakePH #EarthquakeOccidentalMindoro
— PHIVOLCS-DOST (@phivolcs_dost) May 12, 2021
Earthquake Information No.1
Date and Time: 12 May 2021 - 09:09 AM
Magnitude = 5.8
Depth = 110 kilometers
Location = 13.55N, 120.73E - 011 km N 01° E of Abra De Ilog (Occidental Mindoro)https://t.co/f4WGnEJvFh pic.twitter.com/u7BNq921Mn
Intensity V (strong)
- Lubang, Occidental Mindoro
- Calamba City
- Calatagan at Calaca, Batangas
Intensity IV (moderately strong)
- Malvar at Lemery, Batangas
- Calapan City, Oriental Mindoro
- Mendez, Cavite
- Limay, Bataan
- Tagaytay City
- Manila City
Intensity III (weak)
- Agoncillo, Cuenca, Lipa City at Talisay, Batangas
- General Trias City at Dasmarinas, Cavite
- Calamba, Laguna
- Makati City, Muntinlupa City
- Mandaluyong, Pasay City, Pasig City at Quezon City, Metro Manila
- San Pedro, Laguna
Intensity II (slightly felt)
- Caloocan City at Marikina City, Metro Manila
- Olongapo City, Zambales
- Cavite City
- Sta. Cruz, Laguna
- Taysan, Batangas
- Batangas City
- Lucena City
- Binangonan, Rizal
- Dolores at Mulanay, Quezon
Intensity I (scarcely perceptible)
- San Mateo, Rizal
- San Francisco, Quezon
Sinasabing "techtonic" ang pinagmulan ng naturang seismic activity.
Bagama't wala pang inaasahang pinsala, posibleng may mga "aftershocks," o serye ng mas mahihinang paggalaw ng lupa na sumusunod matapos ang mas malalakas na pagyanig.
Antabayanan ang mga karagdagang detalye sa balitang ito.
- Latest