Pagboto sa 2022 polls gagawing 10-12 hrs.
MANILA, Philippines — Maaaring palawigin sa dalawa o tatlong oras ang botohan sa 2022 elections sa gitna ng COVID-19 pandemic, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Sinabi nitong Lunes ni Comelec Commissioner Antonio Kho Jr. na ang dating 8 oras na voting hours ay hindi puputulin bagkus ay posibleng gawing 10 hanggang 12 oras, depende sa kakayahan ng mga guro na magsisilbing Board of Election Inspectors (BEI).
Nilinaw niya na hindi maaaring lumagpas sa isang araw ang panahon ng pagboto dahil maaaring kuwestiyunin. Sa ilalim ng elections laws kailangang amyendahan ng Kongreso ang batas para sa extended days.
Sakaling may kumuwestiyon sa Korte Suprema, mauuwi sa wala ang lahat.
Mula sa dating 1,000 boto sa bawat election precinct noong 2019, sa 2022 ay pinag-aaralang gamitin ang 2016 level of voters sa bawat presinto na may ratio na 800 lamang upang maipatupad ang social distancing at iba pang minimum public health standards.
Batay sa rekord, hindi bababa sa 61-milyon ang nakarehistrong botante para sa susunod na halalan.
- Latest