^

Bansa

Pagbubukas ng klase sa Setyembre inaaral ng DepEd kung posible

Philstar.com
Pagbubukas ng klase sa Setyembre inaaral ng DepEd kung posible
Kitang nagre-record ng leksyon para sa kanyang mga estudyante ang gurong ito na nagtratrabaho sa Bagumbayan Elementary School sa gitna ng COVID-19 pandemic
The STAR/Michael Varcas, File]

MANILA, Philippines — Pinag-iisipan ng pamunuan ng Kagawaran ng Edukasyon na muling iusog ang pagpasok ng susunod na academic year sa gitna ng patuloy na pananalasa ng COVID-19 pandemic.

Ito ang ibinahagi ng Department of Education (DepEd) sa panayam ng CNN Philippines ngayong araw habang papalapit ang pagtatapos ng school year sa ika-10 ng Hulyo.

"Ang io-offer namin na isang option — within September. Although sa level pa lang ito ng aming strat, ang idea namin hindi pa final," ani Education Undersecretary Diosdado San Antonio, Huwebes.

"Bakit kailangan magbukas tayo kaagad? Huling-huli na po tayo. Alam naman natin mababa tayo sa international large scale assessment. Hindi pwedeng ugali ng huling naghahabol ‘yung pahinga nang pahinga."

Una nang itinulak ng DepEd na buksan uli ang klase sa ika-23 ng Agosto, pero nangangahulugan ito ng mas maiksing bakasyon — dahilan para mabahala ang ACT Teachers party-list.

Matapos niyan, inilinaw ng DepEd na hindi pa ito pinal na desisyon at nakay Pangulong Rodrigo Duterte pa rin daw ang huling bola pagdating sa pasukan.

Sa ngayon, nakadepende na lang daw sa mga estudyante at mga guro kung sa tingin nila'y mas kakailanganin ng mas mahabang pahinga.

Handa na ba talaga?

Kasalukuyan na raw nag-iimbentaryo ng mga kakailanganing sanggunian at printed modules kaugnay ng pagbubukas ng mga klase, kasabay ng pamamahagi ng milyung-milyong learning materials na napasakamay ng mga estudyante noon na walang gadgets at internet para sa online classes.

Papalitan naman na raw ang mga materyales na nasiya ng mga bagyo at yaong mga mali-mali ang datos. Isinusulong pa rin ng kagarawan ng limitadong harapang klase para sa mga "low-risk" na lugar sa COVID-19.

"Ang nakikita namin marami naman ‘yung sabi ng teacher proficient ang bata. Generally, while maraming hamon, nairaraos naman ‘yung ating pagpapatuto sa mga bata," patuloy ni san Antonio.

COVID-19 vaccines sa menor de edad

Pinag-aaralan na ngayon ng Department of Health (DOH) ang kaganapan pagdating sa COVID-19 vaccination sa mga bata, lalo na't nagkaroon na ng "clinical trials" ng bakuna ang kumpanyang Pfizer para sa mga edad 12-15 taong gulang sa Estados Unidos.

"It is very much welcome kung makakakuha tayo ng ganito. And kapag bibigyan ng [emergency use authority] ang US at makasunod ang ating bansa para makapagbigay ng EUA, so also we can protect our children," ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Miyerkules.

"Pero sa ngayon, iyan po ay kinakailangan pa ring pag-aralan."

Sa kasalukuyang EUA ng Pfizer COVID-19 na iginawad ng Food and Drug Administration, tanging para sa 16-anyos pataas lang kasi ito at 'di sakop ang mga mas nakababata pa. Halos lahat ng ibang bakunang may EUA ay para lang sa 18-anyos pataas.

Umabot na sa 1.08 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas ayon sa huling tala ng gobyerno ngayong araw. Sa bilang na 'yan, patay na ang 17,991. — James Relativo

COVID-19 VACCINES

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

SCHOOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with