Local COVID-19 cases 1.08-M na habang gumaling palapit sa 1 milyon
MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 6,637 bagong infection ng coronavirus disease, Huwebes, kung kaya nasa 1,080,172 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.
Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:
- lahat ng kaso: 1,080,172
- nagpapagaling pa: 63,170, o 5.8% ng total infections
- bagong recover: 6.091, dahilan para maging 999,011 na lahat ng gumagaling
- kamamatay lang: 191, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 17,991
Anong bago ngayong araw?
-
Ngayon ang pinakamataas na bilang ng namatay sa COVID-19 (191) na iniulat sa iisang araw lang sa nakalipas na 24 days, ayon sa datos ng DOH, Huwebes.
-
Kahit na ipinasasaoli na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 1,000 doses ng unregistered COVID-19 vaccine ng Sinopharm sa Tsina, kinumpirma kanina ni presidential spokesperson Harry Roque na magpapaturok pa rin si Digong ng kanyang second dose nito.
-
Iniulat naman ng Bureau of Customs kanina na nasa 20,000 tabletas ng ivermectin ang kanilang nasabat sa Ninoy Aquino International Airport kanina. Unregistered pa rin ang mga ito kung gagamiting gamot panlaban sa COVID-19.
-
Muli namang nadagdagan ang kaso ng mga COVID-19 "variants of concern" sa Pilipinas na mas nakahahawa sa normal. Sa ngayon, nasa 1,075 na ang B.1351 variant (unang nadiskubre sa South Africa), 948 na ang B.1.1.7 (unang nakita sa United Kingdom at nasa dalawa ang P.1 (unang natagpuan sa Brazil).
-
Kinumpirma ni Interior Undersecretary Jonathan Malaya kanina na makikipag-usap na sila sa Philippine National Police pagdating sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na "arestuhin" na talaga ang mga hindi magsusuot ng face masks nang maayos sa publiko.
-
Umabot na sa halos 154 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, patay na ang 3.22 milyong katao.
— James Relativo at may mga ulat mula kay Xave Gregorio
- Latest